MTRCB aprubado ang ‘Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea’ sa sinehan

PINABULAANAN ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang usap-usapan na may ban sa dokyumentaryong “Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea” sa inilabas nitong official statement.
Kabilang “Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea” sa 287 pelikula na inaprubahan ng ahensya, isang dokumentaryo tungkol sa buhay at pakikipagsapalaran ng mga mangingisdang Pilipino sa West Philippine Sea.
Mula sa isinumiteng aplikasyon ng Insight 360 Consultancy Services Inc. noong Marso 2025, ito ay rated PG (Patnubay at Gabay ng Magulang) mula sa Board—para sa edad 13 pababa, basta’t may kasamang magulang o nakatatanda.
Baka Bet Mo: MTRCB, NCCT nagkasundong protektahan ang kabataan
Noong Hunyo 2025, muling nagsumite ng aplikasyon ang producer nitong Voyage Film Studios Inc.na may pamagat na “Food Delivery,” at nakatanggap din ng PG rating.
Ayon kina MTRCB Board Members Ricardo Salomon, Jr., Richard Reynoso, at Racquel Maria Cruz, “Ang materyal ay naglalaman ng mga tema at eksenang mas mauunawaan ng mas batang manonood kung may gabay ng magulang o nakatatanda.”
Muling pinagtibay ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio ang suporta ng Board sa mga pelikulang may layuning magbigay-kaalaman at inspirasyon.
“Sa pamamagitan ng aming angkop na klasipikasyon, layunin naming protektahan ang mga manonood, partikular ang mga batang Pilipino, habang ating isinusulong at hinihikayat ang responsableng panonood at paglikha,” sabi ni Lala.
Ang 287 na inaprubahang pelikula ay binubuo ng iba’t ibang lokal at banyagang genre gaya ng drama, komedya, dokumentaryo, animasyon at independent films. Dumaan ang mga ito sa masusing proseso upang matiyak ang angkop na klasipikasyon alinsunod sa pamantayan at alituntunin ng MTRCB.
Samantala, dalawang beses palang nagkaroon ng special screening ang nasabing pelikula noong Mayo at Hunyo at magagawa lang ito kapag may permit ang MTRCB bago ito dinala sa New Zealand kung saan nanalo ang Delivery: Fresh from the West Philippine Sea ng Tides of Change Award para sa prestigious Doc Edge Festival 2025 sa New Zealand kung saan nagkaroon ng global premiere.
The post MTRCB aprubado ang ‘Food Delivery: Fresh from the West Philippine Sea’ sa sinehan appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments