Responsive Ad

Giselle Sanchez pinagsisihan pagganap na Cory Aquino, Darryl Yap nag-react

Giselle Sanchez pinagsisihan pagganap ng Cory Aquino, Darryl Yap nag-react
Giselle Sanchez at Darryl Tap

INIYAKAN ng actress-host na si Giselle Sanchez ang matinding pamba-bash sa kanya sa pagganap bilang si dating Pangulong Cory Aquino sa pelikulang “Maid in Malacañang”.

Ipinalabas ang pelikula noong 2022 na idinirek ni Darryl Yap na tumalakay sa huling 72 oras ng pamilya Marcos sa Malacañang habanh nagaganap ang 1986 EDSA People Power Revolution.

Inamin ni Giselle na nagsisi siya kung bakit tinanggap niya ang naturang proyekto kung saan kaliwa’t kanang batikos nga ang naranasan niya mula sa mga tagasuporta ng pamilya Aquino.

“Pinagsisihan ko yun. Di ba nga sabi nila, ‘Giselle, U.P. ka, bakit mo ginawa yun?’ Ganu’n.

“Di ko inisip, e. Sana inisip ko nga naman na taga-U.P. ako, sana inisip ko yung bansa ko bago ko tinanggap yun. Kasi iniisip ko lang, ‘Artista ako,'” ang pahayag ng aktres sa panayam ng programang “Long Conversation: The Men’s Room” ng One News.

Nagtapos ng kursong Mass Communications saUP Diliman si Giselle at naging magna cum laude ng kanilang batch.

Kung matatandaan, naging kontrobersiyal ang eksena ni Giselle sa “Maid In Malacañang” kung saan ipinakitang nakikipag-mahjong si Cory Aquino sa tatlong madre. Nagalit dito ang mga supporters ng yumaong dating pangulo.

Kasunod ng naging pahayag ni Giselle, nag-react ang direktor ng movie na si Darryl Yap sa pamamagitan ng Facebook. Aniya, naiintindihan niya si Giselle.

Narito ang buong pahayag ng filmmaker,  “Tungkol sa pahayag ni Giselle Sanchez patungkol sa kanyang regret sa pagganap na Cory sa #MiM…

“Naiintindihan ko po ang sentimyento niya, sa totoo lang, naging regret din siya ng production; kasi lahat ng kasama sa pelikula, artista man o nasa likod ng camera ay may taglay na kahandaan sa opinyon ng publiko—paninira man o papuri.

“Si Giselle ang talagang nabasag at naapektuhan, siya ang inalala ng team.

“Pinaghanda ko ang mga bubuo ng pelikula—hindi lamang dahil sa Maid in Malacañang ito kundi dahil sa ‘ako’ ito. 

“Ilan lang ang may gusto at may kaya akong makatrabaho, at hindi ko iyon tinitignan na kabawasan, iyon ay mabisang pansala sa mga di kanais-nais na elemento sa showbiz.

“Ang hindi ko lang gets ay yung ‘Taga-UP ka pa naman bakit tinanggap mo yan?’ Bakit? Iba ba ang hangin sa UP? 

“Yung pagininhale mo ay pwede kang maging maingay at makasakit sa mga opinyon mo pero pag nakarinig ka ng makakasakit sa iyo ay hahagulgol ka? yan ang di ko gets. 

“Mananatili ang aking paggalang sa sining ng bawat isa, karangalan kong mapasama sa listahan ng mga gusto at ayaw na makatrabaho sa industriya.

“Kasi yun lang naman ang mahalaga,

kahit anong listahan pa yan…

nasa listahan ka. 

“Salamat po.”

The post Giselle Sanchez pinagsisihan pagganap na Cory Aquino, Darryl Yap nag-react appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments