Responsive Ad

Vincent Co kasama si Bea Alonzo na magdiriwang ng b-day sa ibang bansa 

Vincent Co kasama si Bea Alonzo na magdiriwang ng b-day sa ibang bansa 
Bea Alonzo at Vincent Co

SAANG bansa kaya magdiriwang ng kanyang 45th birthday si Vincent Co kasama ang kanyang girlfriend na si Bea Alonzo?

Nakita kasi sila ng ilan nating mga kababayan sa NAIA Terminal 1 kahapon ng alas-otso ng umaga.

Nahuli sila ng camera ng TikTokerist na si Jomar Aviary sa Pambansang Paliparan and seeing Bea wearing her shades and denim long skirt and jacket with white top while Vincent wearing just plain white shirt and denim and black sneaker.

Kaarawan kahapon, July 10 ni Vincent, Puregold President at si Bea ang kasama niyang magse-celebrate nito at mukhang magtatagal sila dahil apat na maleta ang dala nila.

Kabilang na riyan ang dalawang check in luggage plus backpack na itim na hawak ng binata habang ang aktres naman ay dala ang kanyang hand carry luggage at branded bag.

Halos laging magkasama sina Vincent at Bea na ang huli ay noong Hulyo 5 sa “OPM Con 2025” na ginanap sa Philippine Arena kaya kailangan pa bang i-memorize kung may relasyon na sila o just dating palang?

Anyway, hindi naman na bago ang paglabas nila ng bansa dahil mula nang maging hot issue sila ay tatlong beses na silang nahuhuli ng mga paparazzi sa airport.

Samantala, wala pang update sa amin ang aming source kung nagpaplano na ang dalawa para sa kanilang big day (wedding) dahil nasa marrying age na sila at higit sa lahat tila naghahanap na ng apo ang magulang ni Vincent.

The post Vincent Co kasama si Bea Alonzo na magdiriwang ng b-day sa ibang bansa  appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments