Responsive Ad

Korean star Choi Bo Min enjoy sa sisig, BBQ; may endorsement na rin sa Pinas

Korean star Choi Bo Min enjoy sa sisig, BBQ; may endorsement na rin sa Pinas
Choi Bo Min at Teejay Marquez

INAMIN ng South Korean actor na si Choi Bo Min na nag-worry siya nang tanggapin ang ilang projects na inalok sa kanya dito sa Pilipinas.

Si Choi Bo Min ay napapanood ngayon  sa pinag-uusapang GMA Prime series na “Beauty Empire” na pinagbibidahan nina Barbie Forteza at Kyline Alcantara.

In fairness, todo puri ang Korean star kina Barbie at Kyline na inilarawan niyang “so kind” at “so nice” dahil sa mainit na pag-welcome sa kanya sa Pilipinas.

Nakachikahan ng media si Bo Min nang pormal siyang ipakilala bilang latest ambassador ng BlueWater Day Spa kasama ang hunk actor na si Teejay Marquez.

Sey ni Bo Min, worried siya nang dumating sa Pilipinas para gumawa ng ilang proyekto kasama na nga riyan ang pagiging celebrity brand ambassador ng BlueWater Day Spa.

“I was very worried because I’m a foreigner here. But everyone is very kind to me and everyone is nice,” ani Bo Min.

“Honestly, I’m very confused and nervous and worried about it because it’s my first time in the Philippines. I can’t speak English very well. But the ‘Beauty Empire’ staff, Kyline, Barbie, Direk (Mark Sicat dela Cruz), all of them are very kind to me.

“I was very thankful. I think it’s very meaningful to me because it’s a very good experience working with the kind people and I also like my role (Alex). So, I think I have a very good time in here,” chika ng Korean actor.

Aniya, three months siyang mananatili sa bansa at kakaririn daw niya ang pag-aaral ng Tagalog para mas maintindihan pa niya ang kultura ng Pilipinas.

Nagpasampol pa nga siya sa launch ng BlueWater Day Spa na nag-coincide sa selebrasyon ng 20th anniversary nito, at  kinanta ang kanyang debut single niyang “Nakaraang Buhay” under Universal Records.

Ibinandera rin niya ang pag-try sa mga Pinoy food at type raw niya ang sisig at chicken barbecue natin.

But aside from food, gustung-gusto rin daw niya ang traditional Pinoy massage na una nga niyang na-try sa BlueWater Day Spa at kung papayag daw sina Barbie at Kyline, sasamahan niya ang mga ito na magpamasahe roon.

“Whenever I have a rest time, I usually like nature, somewhere in a quiet place. I also usually go to relaxation place or something to have a body massage.

“The traditional Filipino massage was new to me but (it was) so good. I fell asleep halfway through. I’d also like to try the Korean HIFU treatment, it’s popular in Korea and helps define the face. That’s something I’m curious about,” aniya.

Ang choices ng K-drama actor ay reflection ng kinu-cultivate ng BlueWater Day Spa over the years – ang mix ng authentic local treatments at globally-inspired offerings na swak sa Pinoy loyalists at international stars tulad ni Bo Min.

With 20 years of service, its branches across the metro provide peaceful sanctuaries amid the city’s daily rush. Known for its curated massage experiences and signature treatments, the spa has helped countless Filipinos recharge, reset, and find their glow again.

At bilang bahagi ng 20th anniversary ng kumpanya, inanunsyo ng spa ang pagkakaroon ng afternoon promo, kung saan may 20% off sa selected services hanggang September 17, 2025 sa Greenhills, Banawe-Quezon City at Estancia Mall-Pasig branches.

The post Korean star Choi Bo Min enjoy sa sisig, BBQ; may endorsement na rin sa Pinas appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments