Esnyr, Charlie sa viral comment ni Fyang tungkol sa PBB: ‘Hindi ito competition’

“HINDI naman po ito competition.”
Ito ang naging sagot nina Esnyr Ranollo at Charlie Fleming, na parehong housemates ng “PBB: Celebrity Collab Edition,” sa kontrobersyal at viral na komento ni Fyang Smith, ang Big Winner ng “PBB: Gen 11.”
Magugunitang matinding pamba-bash ang inabot ni Fyang dahil sa naging pahayag niya na wala raw makakatalo sa batch nila sa nasabing iconic reality show.
Nang usisain ng King of Talk na si Boy Abunda sina Esnyr at Charlie kung ano ang reaksyon nila dito.
Baka Bet Mo: Fyang Smith pinaringgan nga ba ni Dingdong Bahan: ‘Dapat real and responsible’
Ang diretsahang sagot ni Esnyr na natatawa, “Hindi naman po ito competition.”
“Feeling ko, ‘yung iba’t-ibang season may iba’t-ibang taste at sa amin po, we can say na unique din talaga ‘yung season namin at tinangkilik po talaga ng mga tao,” sey niya.
Hirit naman ni Charlie, “Our season is different. This is the first GMA and ABS collab, so it’s completely different from the batch they have.”
Dagdag na paliwanag ni Esnyr, “Iba-iba kami ng amats kumbaga. At I love their season too.”
<iframe width="560" height="315" src="https://www.youtube.com/embed/J81C0MBFYgk?si=OffPP0JvP6wilodU" title="YouTube video player" frameborder="0" allow="accelerometer; autoplay; clipboard-write; encrypted-media; gyroscope; picture-in-picture; web-share" referrerpolicy="strict-origin-when-cross-origin" allowfullscreen></iframe>
Dahil marami na nga ang nagsasabing naging mayabang na si Fyang dulot ng kanyang naging komento, agad na nilinaw ng kanyang kampo na isang spliced video ang nag-viral sa social media at joke-joke-joke lang daw ang sinabi niyang walang makakatalo sa batch nila.
Ang buong pahayag ni Fyang: “Alam mo, kahit ilang batch pa ’yan, walang makakatalo sa batch namin. Hello? Gen 11? Breaking… Highest… Hello? Hindi, joke lang!
“Kaya walang makakatalo sa batch namin kasi lahat kami very genuine, very authentic. Akala nga namin walang nanonood, kaya lahat kami ganu’n mga ugali namin.”
The post Esnyr, Charlie sa viral comment ni Fyang tungkol sa PBB: ‘Hindi ito competition’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments