Responsive Ad

#WalangPasok sa ilang paaralan ngayong July 18 dahil sa ‘Crising’, Habagat

#WalangPasok sa ilang paaralan ngayong July 18 dahil sa 'Crising', Habagat

SUSPENDIDO ang ilang klase sa bansa ngayong Biyernes, July 18, bilang paghahanda sa hagupit ng Bagyong Crising at ng Southwest Monsoon o Habagat.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), posibleng mag-landfall ang bagyo sa mainland Cagayan o Babuyan Islands anumang oras.

Dahil dito, nagdeklara ng class suspension ang mga sumusunod na lugar:

Baka Bet Mo: Listahan ng mga pangalan ng bagyo na papasok sa Pinas sa 2025 havey na

Metro Manila

  • Caloocan City – Lahat ng antas, in-person, pampubliko at pribado
  • Malabon City – Lahat ng antas, in-person at online, pampubliko at pribado
  • Marikina City – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
  • Muntinlupa City – Lahat ng antas, face-to-face, pampubliko at pribado (may abiso ang mga paaralan na gumamit ng alternative learning)
  • Mandaluyong City – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
  • Parañaque City – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
  • Pateros – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
  • San Juan City – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
  • Taguig City – Kindergarten hanggang Grade 12, pampubliko at pribado (modular learning ang ipapatupad)
  • Valenzuela City – Kindergarten hanggang Senior High School, in-person at online, pampubliko at pribado
  • Las Piñas City – Lahat ng antas, face-to-face, pampubliko at pribado

Ilocos Region

  • Ilocos Sur – Buong lalawigan, lahat ng antas, pampubliko at pribado

Cordillera Administrative Region

  • Abra – Buong lalawigan, kindergarten, pampubliko at pribado

Cagayan Valley

  • Sanchez Mira, Cagayan – Preschool hanggang Grade 12, pampubliko at pribado (kasama ang Alternative Learning System o ALS)

Central Luzon

  • Nueva Ecija:
    • Natividad – Preschool hanggang Senior High School
    • Talavera – Preschool hanggang Senior High School

Calabarzon

  • Batangas – Buong lalawigan, lahat ng antas
  • Cavite – Buong lalawigan, lahat ng antas (gagamit ng online o modular learning)
  • Laguna – Buong lalawigan, preschool hanggang senior high school
  • Quezon – Kindergarten, elementary at high school, pampubliko at pribado
  • Rizal – Buong lalawigan, lahat ng antas (modular distance learning ang ipapatupad)

Mimaropa

  • Palawan:
    • Puerto Princesa – Lahat ng antas
    • Brooke’s Point – Kindergarten hanggang Grade 12

Bicol Region

  • Camarines Norte:
    • Santa Elena – Lahat ng antas
    • San Vicente – Lahat ng antas (pinayuhan ang mga paaralan na gumamit ng alternative learning)
    • Paracale – Lahat ng antas
  • Camarines Sur:
    • Pasacao – Lahat ng antas, face-to-face (modular o alternative learning ang ipapalit)
  • Catanduanes:
    • Baras – Lahat ng antas

Western Visayas

  • Antique:
    • Belison – Preschool hanggang Senior High School

Negros Island Region

  • Negros Occidental:
    • Talisay City – Lahat ng antas
  • Siquijor – Buong lalawigan, lahat ng antas
  • Negros Oriental – Buong lalawigan, lahat ng antas

Central Visayas

  • Cebu City – Lahat ng antas, face-to-face (asynchronous o modular learning ang ipagpapatuloy)

Zamboanga Peninsula

  • Zamboanga del Sur:
    • Zamboanga City – Lahat ng antas
  • Zamboanga Sibugay:
    • Kabasalan – Lahat ng pampubliko at pribadong paaralan (hinihikayat na mag-transition sa online learning)

The post #WalangPasok sa ilang paaralan ngayong July 18 dahil sa ‘Crising’, Habagat appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments