Responsive Ad

Rhian, JC may chinika tungkol sa one-night stand, naging ‘naughty’ nga ba noon?

Rhian, JC may chinika tungkol sa one-night stand, naging 'naughty' nga ba noon?

SA mga nakaraang pelikula nina JC Santos tulad ng “Open,” kasama si Arci Munoz noong 2019 ay nagpa-sexy ang aktor at nagpakita pa ng butt at si Rhian Ramos sa pelikulang “Kung Paano Siya Nawala,” kasama si JM de Guzman taong 2018 ay may kissing scene ang aktres.

Kaya sa latest movie nilang “Meg & Ryan” na ang kwento ay tungkol sa one-night stand, pero nagka-developan ay natanong ang dalawang bida kung nasubukan na nilang lumabas ng bahay na walang saplot o kaya sa loob ng bahay kapag sobrang lasing.

Naunang sumagot si Rhian na nagbiro, “Kahit naman hindi wild and drunken ginagawa ko, ha, ha, ha.  Wala naman akong nare-recall na ganu’n. Siguro magkaiba ang kulay ng medyas o magkaiba ang sapatos, pero feeling ko may pipigil naman sa akin pag ganu’n. Baka damit meron underwear ang wala.”

Sey naman ni JC, “Siyempre, may times na lalabas ka ng wala, hindi naman full, hindi ko nga po alam kung may suot akong underwear ngayon, joke. Paminsan-minsan pwede na walang suot ha, ha, ha. Hindi naman in my drunken moments.”

Baka Bet Mo: Rhian Ramos, JC Santos puring-puri ni Direk Catherine Camarillo sa ‘Meg & Ryan

Parehong namang nag-agree ang dalawang bida na lumalabas sila ng kuwarto na nakahubad minsan.

“Nangyayari,“ pag-amin ni JC.

Sabi naman ni Rhian, “Paminsan-minsan lumalabas ng kuwartong walang suot.”

Samantala, puring-puri ni Rhian ang leading man niyang taga-Kapamilya dahil napaka-generous na aktor ni JC at ito rin ang paglalarawan ni Ces Quesada.

“Napaka-geneours niya as an actor, if there’s anything that he can do to help you in scene, he will at tsaka he will go further what it takes na para bang hindi lang ‘yung acting part ‘yung gagawin niya kung pwede siyang mag-attribute sa lines, pwede ring kung ano ‘yung mas natural niyang sasabihin ‘di ba (sabay sabi kay JC) napag-uusapan natin before ang scenes kung may papalitan, ini-imbibe niya talaga what would Ryan do and what would Ryan say. It really make my job super easy,” paglalarawan ng aktres sa aktor.

“Actually hindi lang si Rhian, everybody here is easy to work with. Ito ang masarap sa ideya ng collaboration minsan magtutugma kayo, minsan hindi and kadalasan sa grupo na ito nagtutugma kaming lahat, na-enjoy namin ‘yung process even the challenges. So, working with Rhian I’m honored kasi isa siya sa bucket list ko na sana makatrabaho ko and it’s happening now at nakita ko ‘yung process niya kung paano siya magtrabaho and I enjoyed every moment of it at nakita ko ‘yung dedication niya kung paano niya ibigay ‘yung truth ng scene, so, ako super sulit sa akin kasi minsan nanonood at minsan nakakalimutan kong mag-reach, ‘uy ang galing no’n’ And binigyan kami ng freedom ni Direk (Catherine Camarillo) nakakatuwa kasi naibigay namin ‘yung personality namin sa para gumanda ‘yung script,” kwento ni JC.

At dahil tungkol sa one-night stand ang kuwento ng “Meg & Ryan,” nasubukan na ba nila ito noong kabataan nila.

“Siyempre when you’re young wild and free and doon papasok ‘yung mga ganu’ng iisipin mo. First gusto mo ng bad boy, mga ganu’n pero siyempre since artista ako mas careful ako. Siyempre when you’re younger you have din those thoughts na lalo na kung hindi mo pa alam what relationship takes and iisipin mo cute lang and that’s it magkaka-in-love-an na kayo and that’s your relationship,” opinyon ni Rhian.

“Same rin when I was young meron din akong mga ganu’n pero hindi nagtatagumpay lagi,” sambit naman ni JC.

Samantala, inamin ni Rhian na may love scene sila ni JC sa pelikula kaya panoorin na ito sa August 6 mula sa direksyon ni Catherine O. Camarillo for Pocket Media Productions Inc. and Pocket Media Films.

Kasama rin sa pelikula sina Ces Quesada, Cris Villanueva, Jeff Gatmaitan and Poka.

The post Rhian, JC may chinika tungkol sa one-night stand, naging ‘naughty’ nga ba noon? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments