Vice Ganda, mga kasama tumakas kina Ogie; nag-sorry kay Belle Mariano
LAUGHTRIP na naman ang hatid ni Unkabogable Vice Ganda kasama ang buong tropahan ng “It’s Showtime” matapos nilang takasan sina Ogie Alcasid.
Sa segment kasi nilang “ASnsabe?” ay natalo sila kasama ang team na pinamumunuan ni Vhong Navarro dahil hindi nila nahulaan ang mga salitang nasa kanilang listahan.
Habang turn nina Ogie na magpahula at noong nagkaroon na ito ng puntos ay unti-unting nawawala sina Vice at ang iba pang hosts para magtago at takasan ang kanilang “FUNishment” na paglusot sa winning team.
Sa mga sumunod na pangyayari ay makikita nang nakalabas na sila sa studio at sumakay sa van na naka-park sa labas ng studio.
Baka Bet Mo: Vice Ganda: May systemic educational problem ang Pilipinas
View this post on Instagram
“Sumakay na kayo. Ako na ang bahalang kumausap kung kaninong may-ari,” saad ni Vice.
Tuluyang umandar ang van palabas sa compound ng ABS-CBN.
Makalipas ang ilang sandali ay bumalik na rin sila sa ABS-CBN na may hatid na nakakalokang rebelasyon.
“Ayan na. Ayan na. Bumababa ma sila 9grupo nina Vice at Vhong),” saad ni Ogie.
Nang makababa ay nagpasalamat naman si Darren sa Kapamilya actress na si Belle Mariano dahil ito pala ang nagmamay-ari ng van na sinakyan nila paalis.
“Paumanhin po sa pamilya ni Belle Mariano. Nasa labas na kami ng EDSA, nalaman namin kay Belle pala ito,” sey ni Vice.
Pinagsabihan pa sila ni Tiyang Amy na pumasok na para harapin ang kanilang “FUNishment”.
Imbes na bumalik ay gumala pa sa ibang studio sina Vice, Vhong, Kim, Darren, Lassy, MC, Jugs, at iba pa.
Kahit na sinubukan nilang takasan ay lumusot pa rin ito.
Ngunit tila trinaydor siya ng mga kasama at nagpunta sa kanilang dressing room para mag-lunch.
“Natraydor tayo ng samahan. Sinasabi ko na nga ba. Matagal ko nang nararamdaman na may ahas sa grupong ito. Napakatanga ko para hindi ko maisip na kaya nila akong ilaglag at ipagkanino.
“Napakasama ng ginawa nila sa akin. Hindi ko matanggap na niwan nila ako sa ere. Handa akong ilabas ang lahat ng sama ng loob,” sabi pa ni Vice pagpasok.
Sa huli ay nauwi sa basaan sa loob ng dressing room ang kanilang kulitan.
Aliw na aliw nga ang mga netizens sa kulitan ng “It’s Showtime” hosts.
“Welcome to Palibhasa Lalaki 2025,” nakatawang sabi ni Vice.
The post Vice Ganda, mga kasama tumakas kina Ogie; nag-sorry kay Belle Mariano appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments