Andi emosyonal matapos makita ang ‘statement’ t-shirts ni Jaclyn: ‘Gets ko na’

PHOTO: Instagram Stories/@andieigengirl
NAIYAK si Andi Eigenmann matapos maalala muli ang yumaong ina na si Jaclyn Jose.
Ito ay matapos niyang bulatlatin ang ilang statement t-shirts ng batikang aktres na nasa cabinet at ito ay ibinandera niya sa Instagram Stories kamakailan lang.
“Sorting nanay’s closet and I pull this out,” sey niya na ipinapakita ang nakalagay sa shirt na: “Don’t look back. [You’re] not going that way.”
Kasunod niyan ay inamin ni Andi na siya ay naiyak, habang ipinapakita ang isa pang damit na may nakasulat na: “Don’t look back. Take a look at the future.”
Baka Bet Mo: Sid Lucero naluha nang makita si Ellie, sey ni Andi: Nakakaiyak ang ganda
Dagdag na caption pa niya riyan, “[Okay] na, gets ko na.”

PHOTO: Instagram Stories/@andieigengirl
May ilang IG Stories pa si Andi na ibinibida pa rin ang iba pang statement shirts ng yumaong legendary actress.
Ang isa ay may makahulugang kataga na ang sabi ay, “This is how it’s gonna be from now on: I’ll find ways not to stumble into darkness, I’ll be self-confident and believe in my dreams.”
Ang nakalagay naman sa isa pa ay, “You will bloom if you take the time to water yourself.”

PHOTO: Instagram Stories/@andieigengirl
Magugunitang recently lang ay nagpa-tattoo si Andi upang bigyang-pugay ang kanyang ina.
Ang kanyang pinagawa ay isang “palm tree leaf” na may kaugnayan sa nakuhang Best Actress ni Jaclyn sa Cannes Film Festival noong 2016.
Sinabi rin ni Andi na ang meaning nito ay “eternal life” dahil ang yumaon niyang ina “will always and forever live in [her].”
Kung matatandaan, si Jaclyn ay pumanaw dahil sa heart attack noong Marso ng nakaraang taon sa edad na 60.
The post Andi emosyonal matapos makita ang ‘statement’ t-shirts ni Jaclyn: ‘Gets ko na’ appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments