OFW ginawa lahat para sa pamilya pero dinedma-dedma: Sobrang sakit sa ‘kin

Stock image
SURE na sure kami na maraming makaka-relate sa pinagdaraanan ngayon ng isang OFW na ginagawa ang lahat para lang mapaligaya ang kanyang pamilya.
Pero mukhang “nonchalant” lang ang kanyang mga kapamilya na tinawag niyang mga “UNGRATEFUL” dahil hindi man lang siya makatanggap ng kahit kapiranggot na pasasalamat.
Nag-post ang netizen sa Facebook page na Peso Sense ng kanyang mga hugot sa buhay partikular na sa mga walang utang na loob daw niyang family members.
“Good day. Hindi ko alam san pede humingi ng advice, since wla ako halos nakakausap sa mga kapatid ko. Ofw here; to give insights po sa situation ko, I am helping all of my sibs financially mapa tuition, gamot, bd lahat.
“Pati mga pamangkins. I helped even almost a million peso sa isang kapatid lang. Hndi po ako mayaman, mejo marunong lang mag budget ng needs and wants,” simulang pagbabahagi ng letter sender.
Ngunit nadala na raw siya sa mga kapatid niya dahil hindi man lang daw siya matawagan ng mga ito para kumustahin kung buhay pa siya.
“Even kmusta wla ako na rereceive from them after makatulong. No greetings birthday man yan or christmas even new year same like i dont exist (now they are capable na financially).
“May mga events and gatherings noon, they ll remember me nung hndi pa sila capable..ngayon wla na even half of the picture wlang nag se send…unfriend ko na rin sila sa fb kasi may ginawa pa silang sobrang nakasakit sa akin. No sorry, nothing.
“Masakit sobra. I felt so drain. I dint feel love at all. Now im planning to have a vacation..pasalubong plng sa lahat will cost me thousands of thousand of dollars.
“I Am asking my self, is it worth it paba na magpasalubong?? Kasi for sure pagdating doon kahit pang inom hihingiin din sa akin.
“Regular may allowance po parents ko sa akin pang meds and bills nila. Need ko lang pabakasyunin mga anak ko sa pinas coz they want to spend time din sa mga cousins nila and sa grand parents nila.
“Pls give me insights. Im just so down. Honestly im not happy. Sorry for the long post,” ang pahayag pa ng netizen.
Narito ang ilang advice sa kanya ng mga nakabasa sa kanyang liham.
“Hugs sender,i felt you. Set boundaries, limit what you can give because takers are users especially if they dont appreciate and value you as a family. They said you cant satisfy ungrateful people. Prioritize yourself and own family dahil kapag ikaw naman nangailangan,waley.”
“For your peace of mind, cut ties. And NO, pasalubong is not and will never be mandatory. Mas maganda magbigay ng magaan sa puso kesa pwersahin ang sarili na bigyan ang mga bumulahura sayo.”
“Hugs. Pero kng akp sa iyo magbabakasyon ka pero sa ibang lugar n lng maghotel ka n lmg. Chat ur friends so you can enjoy your vacation or better yet just enjoy your vacation alone. Atm ka lng sa kanila. Kaya sarili mo unahin mo. The moment na hnd ka nila maalala kht bday man lng dapat natuto ka na dun.”
“Hindi mo need pakilala mga anak mo sa mga pinsan kung gablnyan. Magbakasyon kayo ng solo. If you are around Clark tour ko n lng kyo. Kaysa magbakasyon kayo sa mga ingrato.”
“Hindi OFW pero I used to take care of those around me. I foster kids, help my niece and nephew and kahit di ko kadugo. I always have this mindset na “no one should be left out”.
“Pero these people, never checked on me during those times na I am unwell.”
“I became tired. Nagegets kita, hindi ka naman humihingi na maging super special, you just want to have even the BARE MINIMUM CARE, pero ateko, ungrateful are ungrateful. No excuse.”
“Protect your peace and give the same energy they’re giving. Spend what you have to explore. You’ll be surprised and even shocked to meet people that would need nothing from you. Nakakapanibago pa sa simula, lalo na pag nasanay ka na you must give to be treated well, pero hope you’ll meet those people who will make you special.”
“U are not obliged to give them pasalubong! Ang prinsipyo ko sa buhay never akong gumagawa ng bagay na mabigat sa kalooban ko..hindi ako people pleaser kahit kamag anak pa yan..lalo na sa mga taong hindi marunong mgpasalamat.”
The post OFW ginawa lahat para sa pamilya pero dinedma-dedma: Sobrang sakit sa ‘kin appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments