Uge saksi kung paano sambahin si Vice: Nababaliw ‘yung mga tao!

Eugene Domingo at Vice Ganda
SAKSI ang premyadong aktres na si Eugene Domingo kung paano “sambahin” ng madlang pipol ang Phenomenal Box-office Star na si Vice Ganda.
Nagkasama sina Vice at Uge sa Metro Manila Film Festival 2024 entry “And The Breadwinner Is…” mula sa Star Cinema na siyang itinanghal na top-grosser.
Sa latest vlog entry ni Uge sa kanyang YouTube channel, nakasama niya ang TV host-comedian bilang special guest kung saan napag-usapan nga nila ang tungkol sa kanilang friendship.
Inamin ng komedyana na totoong kusa siyang lumayo pansamantala sa entertainment industry for some personal reasons.
“Lumayo ako sa paggawa ng pelikula. I focused my attention to nurturing myself more. I studied and then I tried to find another life out of showbiz. I was able to enrich my true self,” sabi ni Uge.
Pag-amin pa niya, “I think for a while I was lost. Saan na kaya? Ano na kaya ang gagawin ko? Hindi ako interesado masyado. Wala rin naman ako masyadong offer ng TV.
“Hindi rin naman ako tumatanggap ng pelikula. Walang na-offer na parang gusto ko. Parang lahat tumahimik, ‘yung hunger ko to create, to connect, to discover something na puwede ko pang i-offer sa industry, and then your movie came along. I was so happy. I was so excited,” pagbabahagi pa ng komedyana.
View this post on Instagram
Inilarawan din niya si Vice bilang “long-lost friends” kaya super thankful siya sa pagsasama nila sa ginawa nilang MMFF entry last year.
“Paano ‘to? Ilang years kaming hindi nagkasama ni Vice. Honestly, in my mind, ang laki-laki mo na. Ang laki mong star. You’re a star. You’re really up there. Diyos ko paano ba ‘to? Bahala na. I just really want to be a part of this,” ang papuri ni Uge kay Vice.
Reaksyon naman ng “It’s Showtime” host, “‘Yung ngiti niya, para siyang nakakita talaga na ‘yung parang kalaro niya noon na ‘yung long lost friends kasi parang ganoon talaga tayo. Parang long lost friends tayo every time we see each other.”
Reaksyon naman ni Eugene, “He’s very sweet. Ikaw talaga ‘yung any time of the night, if you’re comfortable with a person, tatawag siya kahit wala naman kayong pag-usapan. Minsan, hindi nga kami nag-uusap.
“Tatawag lang kami sa isa’t isa para lang mag-hi. Pagandahan lang kami at natutuwa ako doon sa friendship natin na it’s beyond whatever it is that we have achieved in life,” chika ng aktres.
Bilib na bilib din daw siya sa pagiging totoo ni Vice sa madlang pipol, “Ang dami talagang nanonood ng pelikula ni Vice Ganda. Nakita ko talaga sa lahat ng promo tours namin kung paano talaga siya sambahin. Literal na sambahin. Nababaliw ‘yung mga tao.”
Sey naman ni Vice, “Malaking bagay talaga ‘yung ‘Showtime’ everyday. Kasama nila ako everyday. Kasama nila ‘pag tanghali. Para nila talaga akong kamag-anak.
“Kasama ako ng buhay nila everyday tapos sila rin pasok na pasok sila sa buhay ko. Alam na alam nila ‘yung nangyayari sa akin, ‘yung journey ko,” dagdag pa niya.
Sey pa ni Uge kay Vice, “Pareho tayong successful in our own design pero nung nakita ko kung paano mo hina-handle your fans, your career, kahit anong nangyari sa ’yo, lumagapak, na-bash, you’re still here, and for me, that is the true measure of a star, that’s the true measure of an artist.
“‘Yun ang sinasabi ko na madaling sumikat pero gaano ka katagal, gaano ka katibay,” dagdag ng aktres.
Muli, pinasalamatan ni Uge si Vice para sa kanyang “reborn” era, “Na-affect mo ako. Nag-guest ako sa ‘Showtime.’ Sinamahan kita sa ilang promo tours mo. Na-affect mo ako. Vice, alam mo, nabuhay ako ulit.
“Na-appreciate ko ‘yung calling natin. Na-appreciate ko ‘yung love ng audience. Na-appreciate ko ‘yung mga taong gumagasta para mapanood ka sa sine.
“‘Yung ibinigay sa akin na pagkakataon na tingnan mo na after all these years, they still want to see me in the movies, they still get me. Alam mo, na-appreciate ko dahil sa ‘Breadwinner’ so thank you.
“Nag-open ako ng vlog. Tinanggap ko lahat ng assignments without any question. Sige, gagawin ko ‘yan. Yes, gagawin ko so busy ako ngayon. I have you to thank all these things that are happening to me right now.
“Thank you again. The ‘Breadwinner’ experience has brought me parang reborn. Katulad nung ginawa sa ’yo as an actor, nalagyan ka ng ibang dimension, layer,” mensahe pa ni Uge.
The post Uge saksi kung paano sambahin si Vice: Nababaliw ‘yung mga tao! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments