Celebs napa-wow sa kaseksihan ni Sharon, nagte-take nga ba ng Ozempic?

Sharon Cuneta
PINUTAKTI ng tanong ang Megastar na si Sharon Cuneta kung ano ba talaga ang ginawa niya at na-achieve niya nang bonggang-bongga ang kanyang kaseksihan ngayon.
Marami ang bumilib sa weight-loss journey ng actress-singer dahil talaga namang obvious na obvious ang kapayatan niya ngayon kasabay ng pagbata ng kanyang itsura.
Pero may mga nagkokomento na sumailalim umano sa kung anu-anong procedure ng pagpapapayat si Mega at ang pag-inom ng gamot na tine-take rin daw ng mga Hollywood stars.
Napa-wow ang mga netizens sa sexy body ngayon ni Mega lalo na sa latest photo na ibinahagi niya sa Instagram kung saan makikita siyang naka-ponytail at nakasuot ng light pink long sleeves na tinernuhan ng light-colored pants.
Sey niya sa caption, “For the first time in over 20 years, I was able to shop for clothes again that I actually want to wear.”
“I am now back to size 6-8. A small to medium. And when I tried on clothes for my new wardrobe, I was moved to tears because I still couldn’t believe I had finally lost all that ugly extra weight! Not done yet. Just a few more,” aniya pa.
Hindi lang netizens ang pumuri kay Shawie kundi maging mga kapwa niya celebrities tulad nina Ruffa Gutierrez, Ara Mina, Coney Reyes, Rhea Santos, Connie Sison at Cheska Garcia.
View this post on Instagram
May isang netizen ang nagtanong kung gumagamit ba siya ng Ozempic na isang prescription drug na sinasabing ginagamit ng ilang Hollywood celebrities para magpapayat.
Base sa isang health website, ang Ozempic ay may Semaglutide, na isang anti-diabetic medication para sa type 2 diabetes at anti-obesity medication para sa long-term weight management.
Sagot ni Sharon hindi siya gumamit nito, “Not Ozempic. Heard it makes you look old.”
“Nope never had it,” ang sagot niya sa isa pang nagtanong hinggil dito.
Meron namang nag-ask kung sumilalim siya sa surgery, “You can have all the surgery you want but nothing is gonna work unless you change your eating habits.”
“I had surgery in 2023 (announced it in our dear heart MOA concert) to remove extra skin on my arms. I still have loose skin on my legs but otherwise, treatments at @theaiveeclinic have prevented most of my skin from sagging.”
The post Celebs napa-wow sa kaseksihan ni Sharon, nagte-take nga ba ng Ozempic? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments