RK, Janella bibida sa ‘Fleeting’, directorial debut ng producer na si Catsi Catalan
MUKHANG na-inspire mag-direk ang producer na si Catsi Catalan dahil isa ang pelikula niyang “Fleeting” na mapapanood sa Puregold CinePanalo Film Festival simula sa March 14 hanggang 20 na gaganapin sa Cineplex Gateway 2, Araneta Center.
Matunog ang pangalan ni Catsi bilang producer ng mga pelikulang “M&M: The Mall The Merrier” (2019), “Love or Money” (2021), “He’s Into Her” TV and movie (2021), “An Inconvenient Love) (2022), “Under Parallel Skies” (2024), “Pushcart Tales” (2024), “Kono Basho” (2024) at ang “Uninvited” (2024).
Ikalawang Puregold CinePanalo Film Festival na ngayong 2025 ito ni Catsi dahil siya ang producer ng “Pushcart Tales” na nag-uwi ng major awards nu’ng nakaraang taon.
Kaya hindi na siya baguhan sa movie industry, “Working for over a decade in the industry ‘yung pinakanatutunan ko is really working with the team that aligns with your vision. Naging madali ‘yung proseso as a first director dahil nagabayan ako ng producers even my Director of Photography (DOP) Direk Dan Villegas, my Production Design (PD) Cheska Lee.”
Baka Bet Mo: RK Bagatsing ayaw pwersahin si Jane Oineza sa pagpapakasal
At bilang producer ang advantage raw, “Is nagtagpo na agad ‘yung vision at ‘yung budget. He, he!”
Ano ang nagtulak para mapunta na sa pagdi-direk ng pelikula si Catsi, “Passion project talaga kasi napunta ako sa Mati, Davao nu’ng pandemic and there’s an urge to tell this story.”
Dagdag pa, “The film also reflects the new generation who are priority their careers, sometimes at the cost of personal relationships.”
Sina Janella Salvador at RK Bagatsing ang pangunahing bida sa “Fleeting” na pareho na ring nakatrababo ni Direk Catsi sa “Mallari” at “Uninvited,” respectively produced ng Mentorque Productions, In.c na pag-aari ni John Bryan Diamante na producer ng “My Father, Myself, Mallari” at “Uninvited” na parehong napasama sa Metro Manila Film Festivals.
Paano nagtagpo ang dalawang bida sa pelikula?
“Janella has this innate charm and emotional depth na perpektong sumasalamin sa ambisyon at kahinaan bilang si Gem at si RK naman, tahimik na intensity at grounded presence na ginagawa siyang ideal as JC.”
Ibinahagi rin ni Janella kung bakit siya naakit sa karakter ni Gem, “This is like a love liham sa ating kabataan – na pakiramdam ko ay pinagdadaanan ng mga kaedad ko. So nakaka-relate talaga ako sa character, and I’m sure marami din ang makaka-relate.”
Nagkasama sa Under Parallel Skies sina Direk Catsi at Janella na idinirek ni Sigrid Andrea Bernardo.
Si RK naman bilang si JC na surfer at may-ari ng coffee shop.
Ayon kay RK ay nagustuhan niya ang dagat sa Mati na dinadayo rin ng mahihilig sa surfing.
Aniya, “More than the place, the beach, ‘yung mga magagandang tanawin, it’s really the people na gustong makilala ng mga tao doon sa pelikula.”
Say naman ng direktora, “It is an under-represented town. Marami akong napanood ng film, na ang unang reaksyon nila ay may lugar palang ganito. Kaya ito ay isang karangalan na maging unang pelikulang kukunan sa bayang ito.”
Itinatampok din ng pelikula ang katayuan ng Davao bilang chocolate capital ng Pilipinas, na sana ay lalo pang mag-promote ang pelikula, gaya ng inaasahan ni Janella.
“May mga taong nakakaalam tungkol dito, ngunit hindi pa ito kilala. And I hope this film will help na makilala ng tao ‘yung Mati, and ma-in love din sila sa place,” saad ng aktres.
Ano naman ang masasabi ni Janella sa kwento ng “Fleeting,” “It’s never too late para abutin ’yung pangarap mo. Kahit papaano maraming beses na tila walang pag-asa sa iyo, huwag tumigil sa pagsubok. Pakiramdam ko mas magsisisi ka kung may what ifs ka in the future tas hindi mo natuloy. Kaya, tumalon ka at gawin ito.”
Sang-ayon naman si RK, “Sa mundong patuloy na nagtutulak sa atin na habulin ang mas malalaking pangarap at masikip na mga lungsod, nag-aalok ang Fleeting ng counterpoint. Ipinagdiriwang nito ang kagandahan ng katahimikan, ang lakas sa pagbuo ng isang buhay sa isang lugar, at ang kayamanan ng paghahanap ng kapayapaan sa kasalukuyan.”
“Naniniwala ako na makikita ng mga manonood ang kanilang sarili kay Gem at JC sa kanilang mga pakikibaka, pagpili, and the fleeting moments of happiness they share,” sey naman ni Direk Catsi.
Sabi ulit ni RK, “It (Fleeting) serves as a gentle nudge to remind us that true happiness isn’t always tungkol sa susunod na destinasyon; minsan, ito ay tungkol sa pagbababad sa sandali at appreciating where you are right now.”
The post RK, Janella bibida sa ‘Fleeting’, directorial debut ng producer na si Catsi Catalan appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments