Responsive Ad

Rhian Ramos sa mga biktima ng laiterang bashers: Your body, you’re the boss!

Rhian Ramos sa biktima ng laiterang bashers: Your body, you're the boss

Rhian Ramos

“BODY positivity” at self-love ang dalawa sa mga ipinaglalabang advocacy ng Kapuso actress-entrepreneur na si Rhian Ramos.

Hanggang ngayon ay usap-usapan pa rin ang pagbe-bake ng cookies ni Rhian habang nakasuot ng V-bottom patterned tube crop top na tinernuhan ng bikining itim.

Nag-viral ang mga photos ng aktres sa social media na kuha raw ng BFF niyang si Miss Universe Philippines Michelle Dee noon pang kasagsagan ng pandemya.

Bilang bahagi ng Women’s Month celebration at International Women’s Day ngayong araw, March 8, nagbigay ng pahayag si Rhian hinggil sa advocacy niya about body positivity. Biktima rin daw kasi siya ng body shaming sa socmed.

Kaya saludo rin si Rhian sa lahat ng kababaihan na walang paki sa mga sasabihin ng ibang tao tungkol sa sa lanilang katawan. As in– “your body, your rule.”

Sey ng Kapuso star, “I would say na, it’s your body, you’re the boss of how you want to look, what you want to do with it or what you want to adorn it with. If you want to put a tattoo or not, or if you want to wear this or that, it’s really up to you.”

Dagdag pa niya sa kanyang choices na OOTD  sa pagrampa, “I actually grew up like half of my life wearing only exclusively men’s clothes and then the other half is super duper girly. It’s never too late talaga to choose a new you that you wanna be.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“I just wanna say be unapologetically yourself. Don’t feel like you have to conform to the standards of another person what they think is bagay sa ’yo. Ikaw lang talaga ang makakapag-define and decide,” pahayag pa ni Rhian.

Inamin ni Rhian na mahilig talaga siyang lumafang pero paano nga ba niya name-maintain ang kanyang fit and healthy body.

“‘Yung personal na style ko, may oras ang kain ko. Usually I start getting hungry ng 4 p.m. or 5 p.m. Puwede akong kumain until midnight. Kung hindi ako umabot ng midnight, kunwari nakatulog ako, calorie deficit na ‘yun,” pahayag ng dalaga.

“I’m an emotional eater. If I’m a little stressed, I can eat way more than usual or much less. It’s interconnected sa feelings ko,” dagdag pa niya.

The post Rhian Ramos sa mga biktima ng laiterang bashers: Your body, you’re the boss! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments