Kuya Kim naaksidente sa motor, nabalian ng buto sa ribs: My 4th life!

PHOTO: Instagram/@kuyakim_atienza
NAKAKALOKA ang nangyari kay Kuya Kim Atienza matapos maaksidente sa kanyang motor.
Nabalian kasi siya ng buto sa kanyang ribs o tadyang!
Sa Instagram, ibinandera ng batikang TV host ang ilang pictures matapos ang insidente at kabilang na riyan ‘yung x-ray ng nabaling buto, pati na rin nu’ng pagkuha sa kanya ng ambulansya.
“Thank you Lord for my 4th life!” bungad niya sa post.
Kwento ni Kuya Kim, pauwi na siya mula sa trabaho at habang siya’y nagmo-motor ay may biglang tumawid na malaking aso.
Baka Bet Mo: Kuya Kim 58 na sa 2025: Nagbago diet ko dahil ayoko nang ma-stroke uli
Dahil diyan ay sumemplang siya at doon naramdaman na may nabaling buto sa kanyang katawan.
“I flew 8 feet over my handlebars hitting the pavement with a thud. I heard a loud crack and knew something was broken,” pagsasalaysay niya.
Ayon sa kanya, maswerte siya that time dahil nataon na nasa likod lang niya ‘yung ambulansya ng Fire Emergency Paramedic Assistance group (FEPAG) kaya nabigyan agad siya ng first aid at dinala sa emergency room.
“It was a miracle that the boys of FEPAG EMS PHILS were right behind me, off duty on their way to have dinner in Malate,” kwento ni Kuya Kim.
Sa ngayon ay okay na raw ang TV host at nagte-take na ng gamot para sa nararamdaman niyang sakit.
Bilang kailangan niyang magpagaling, siya ay naka-leave muna sa trabaho at hindi na muna magmo-motor.
“God loves me so much. I could’ve broken my spine or banged my head leaving me with graver injuries (or death) but all I have is a broken rib,” sambit ni Kuya Kim sa kanyang IG.
Bukod sa FEPAG boys na naging anghel niya, lubos din niyang pinasalamatan ang kanyang mag-ina na sina Felicia at Emman na agad siyang pinuntahan sa ospital, pati na rin ang barangay officials na tumulong din sa kanya, at ang doktor na gumamot sa kanya.
“Maraming maraming salamat Panginoon. You are good, unchanging and ever present in everything I do,” lahad niya.
Aniya pa, “I have nothing in my heart but Gratitude. Life is good. God is good all the time.”
View this post on Instagram
Sa comment section, maraming netizens ang nagpaabot ng dasal at “well wishes” kay Kuya Kim.
Narito ang ilan sa mga nabasa namin:
“Awwwww.. praise God Kuya Kim!!!! God is indeed present moment by moment!!”
“Recover fast and feel better soon Kim. You’re blessed [folded hands emoji].”
“Oh my! Get well soonest @kuyakim_atienza! [folded hands emoji]”
“Miracles do happen! In God we Trust [folded hands emoji] Praying for a speedy recovery [folded hands, orange heart emojis]”
The post Kuya Kim naaksidente sa motor, nabalian ng buto sa ribs: My 4th life! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments