Bianca sa mga hula ng netizens na papasok sa PBB: Madaming tama
NAGLABAS ng pahayag ang Kapamilya host na si Bianca Gonzalez hinggil sa paparating na bagong edisyon ng “Pinoy Big Brother” ngayong Marso 2025.
Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na magkakasama ang mga Kapuso at Kapamilya artists sa loob ng Bahay Ni Kuya.
Sa kanyang naging guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay nausisa si Bianca tungkol sa pinaka inaabangang collaboration ng ABS-CBN at GMA.
Sa katunayan, marami na ang kumakalat ngayon sa social media kung saan kanya-kanya ng hula ang mga netizens kung sin0 sino nga ba ang papasok sa PBB house.
Baka Bet Mo: Bianca Gonzalez pangarap maging college professor: I love the energy!
View this post on Instagram
“Ang masasabi ko na lang, nabasa ko ang hula ng mga netizens online. Parehong Kapuso at Kapamilya. Madaming tama. In fairness, madaming tamang hula. Pero may mga mali din,” saad ni Bianca.
Dagdag pa niya, “Basta kung pumunta kayo ng online, in fairness maraming tama.”
May mga tanong rin kay Bianca sa studio kung kabilang nga ba ang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes at Kapuso actress na si Andrea Torres.
“Pasabog ‘yon kung kasama sila,” sey ng main host ng PBB.
Sa ngayon ay inaabangan at nananatiling secret pa ang mga artistang papasok sa “Pinoy Big Brother” celebrity edition na magsisimula sa Linggo, March 9, 10:00 ng gabi.
The post Bianca sa mga hula ng netizens na papasok sa PBB: Madaming tama appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments