Responsive Ad

Jennica Garcia nagrebelde kay Lord: Galit ako, sabi ko sa Kanya ‘Watch me!’

Jennica Garcia nagrebelde kay Lord: Galit ako, sabi ko sa Kanya 'watch me'

Jennica Garcia

NANG dahil sa matitinding pagsubok na kanyang pinagdaanan nitong mga nagdaang taon, nagrebelde si Jennica Garcia sa Panginoong Diyos.

Ito ang matapang na rebelasyon ng Kapamilya actress nang matanong kung ano nagawa niyang pagkakamali na gusto niyang baguhin at itama.

Sa panayam kay Jennica ng radio program na “Banana Krew” sa 92.3 FM Radio, diretsahan niyang inamin na may pagkakataon na galit na galit siya kay Lord.

“I rebeled against the Lord,” ang sabi ng aktres sa mga host ng show na sina DJ Jhai Ho at DJ Kim Churva. Naitama na raw niya ang pagkakamaling ito pagpasok ng 2025.

Lahad pa ng aktres na napapanood ngayon sa Kapamilya series na “Saving Grace”, “There was a season in my life that I was so mad at God talaga. Na-realize ko ngayon na nakapag-move na ako from it na naging self-righteous pala ako, Jhai.

“Parang sinasabi ko kay Lord na, saan, saang part ako nagkamali? I followed you to the dot, how could you do this to me?” aniya pa.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennica (@jennicagarciaph)


“Galit talaga ako, galit talaga ako kay God. Kasi naalala ko pa, sabi ko pa kay Lord, ‘Watch me.’ Ginanu’n ko pa siya. ‘I’m following you, but you’re going to take my joy out of me? Now watch me. I’m gonna do something and this time around I’m think of myself and not put You first,'” ang sey pa ni Jennica.

Kasunod nito, tumigil din siya sa pagsisimba, “Nu’ng eventually, nangyari na, nandiyan na yung consequence, nandiyan na yung damage, hindi na ako makabalik sa church, because of how I talked to God.”

Pati raw ang dalawang anak niyang babae sa former husband niyang si Alwyn Uytingco ay hindi na rin nakakapagsimba noon.

Sa ngayon, maayos na raw ang relationship niya kay God kasabay ng pagbabalik ng kanyang pananampalataya.

“It’s just nice to be around fellow believers. It’s so nice to be back in church,” sey ni Jennica.

Hindi na rin niya ikinahihiya kapag nagkukuwento siya sa naging issue niya kay Lord, “Ready ako. Dati kasi takot ako if people find out. Ngayon wala na.

“If people find out and they don’t like me for it, and it’s going to be the end of me, then it’s because I deserve it,” saad pa ni Jennica.

Ito naman ang natutunan ng aktres sa kanyang mga pinagdaanan, “Lahat ng pagkakamali ay may pagkakataong maituwid. Ang mahahalaga, nagsisimula ka sa hakbang ngayon.”

The post Jennica Garcia nagrebelde kay Lord: Galit ako, sabi ko sa Kanya ‘Watch me!’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments