Japanese fan na nagnakaw ng halik kay BTS Jin posibleng makasuhan

BTS Jin at ang fan na nagnakaw ng halik
HILING ng mga fans ng BTS na sana’y maparusahan ang babaeng Japanese na nagnakaw ng halik sa isang member ng grupo na si Jin.
Kasalukuyan nang iniimbestigahan ng Songpa Police Station sa South Korea ang nasabing Haponesa na bigla na lamang yumakap at humalik kay Jin sa isa niyang fan meet.
Base sa ulat, naganap ang insidente noon pang June 13, 2024, sa kanyang meet and greet event, isang araw matapos ma-discharge si Jin sa mandatory military service sa Korea.
Ang nangyaring fan meet with Jin ay bahagi ng BTS FESTA, ang annual celebration ng debut anniversary ng K-pop super group na ginanap sa Jamsil Arena sa Jamsil Sports Complex, Songpa-gu, Seoul.
Base sa mga nag-viral na photos at videos, makikita ang isang female fan na biglang lumapit at yumakap kay Jin. Hinalika niya sa leeg ang Korean idol. Kitang-kita sa video ang pagka-shock ni Jin sa ginawa ng fan.
Baka Bet Mo: Donny Pangilinan shookt nang biglang nakawan ng halik ng babaeng fan
Kasunod nito, inakusan ng BTS fans ang babae ng sexual harassment dahil sa paghalik nito sa leeg ni Jin. Anila, bago magsimula ang event ay binigyan sila ng instruction na tanging kaway, yakap, at pakikipagkamay lang ang maaaring gawin kay Jin.
Nagpadala rin ng sulat ang fans ni Jim sa talent management ng Korean idol, ang Big Hit Music para paimbestigahan ang nangyari.
View this post on Instagram
“During the hug event on June 13th, an individual attempted to kiss Jin on the neck without his consent. This inappropriate behavior not only violated Jin’s personal boundaries but also created a potential security risk,” ang bahagi ng sulat.
Sa ulat naman Yonhap news agency, napag-alaman na isunulat pa raw ng naturang fan sa kanyang blog ang ginawa niya sa fan meet ni Jin. Sabi raw nito, “My lips touched his neck. His skin was so soft.”
Ang nasabing blog ang ginamit ng mga otoridad para matukoy ang identity ng nasabing BTS fan na maaaring maharap sa kasong Korea’s Act on Special Cases Concerning the Punishment of Sexual Crime.
At nito lamang nagdaang Sabado, March 1, natukoy na ng Korean Police ang babaeng nagnakaw ng halik kay Jin. Isa raw itong Japanese woman na nasa edad 50.
Sa report ng Songpa Police, pinadalhan na raw nila ng imbitasyon ang BTS fan para magpaliwag sa insidente.
The post Japanese fan na nagnakaw ng halik kay BTS Jin posibleng makasuhan appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments