Responsive Ad

Paano napasagot ng ‘YES’ ni Kiko Pangilinan nang ligawan si Sharon?

Paano napasagot ng 'YES' ni Kiko Pangilinan nang ligawan si Sharon?

Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta

BINALIKAN ni Kiko Pangilinan ang naging simula ng love story nila ng kanyang pinakamamahal na asawang si Megastar Sharon Cuneta.

Ayon kay Kiko, “love at first sight” ang naramdaman niya nang makita sa personal sa unang pagkakataon si Sharon.

Sa interview sa kanya ni Toni Gonzaga sa Youtube channel nitong “Toni Talks”, kitang-kita ang pagkakilig ng tumatakbo uling senador sa darating na May, 2025 elections habang ibinabahagi ang love story nila ni Mega.

“She was a guest promoting one of her movies, and I was completely starstruck. I thought myself, ‘do I even have a chance?’” ang simulang pagbabahagi ni Kiko.

Una raw niyang nakita si Sharon sa programa noon ng ABS-CBN na “Hoy Gising” nang kunin siya ng management para maging co-host sa legal talk portion nito.

Baka Bet Mo: Kiko Estrada hirap na hirap mag-plaster kapag gumagawa ng sex scenes: Lalo na yung tatanggalin na!

Hanggang sa makuha na nga niya ang matamis na “oo” ni Mega, “I kept showing up, making her laugh and eventually she said yes.”

Sabi ng senatorial aspirant, ito raw ang biggest at best plot twist na nangyari sa personal life niya noon na kahit natalo siya noong tumakbong kongresista sa Quezon City ay waging-wagi naman siya sa usaping love.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“That’s the best plot twist of my life,” sabi ni Kiko.

Pero knows n’yo ba na ang childhood dream pala niya ay ang maging astronaut? “I watched the Apollo moon landings, and I was hooked. I told myself, ‘one day, I’m going to be an astronaut.”

Pero nabago nga ito habang lumilipas ang panahon at nadidiskubre niya ang mga reyalidad ng buhay, “I realized that while I couldn’t reach for the moon, I could still make a difference here on earth.

“And that’s when I started to think about leadership and service,” sabi pa ng husband ni Shawie.

Natutunan niya ang konsepto ng pagtulong at paghubog ng magandang kaugalian mula sa kanyang mga magulang. Ang kanyang ama ay isang civil engineer, entrepreneur samantalang isang dedicated public school teacher naman ang kanyang ina na involved sa community work.

“My dad showed me the value of hard work and perseverance, a deep love for country, a sense of duty to help those with less, while my mom taught me compassion, service to others and the power of prayer.

“I saw my mom help students and neighbors without expecting anything in return. It was her quiet leadershio that made me realize that you don’t need a title to serve. That’s where my journey began,” pagbabahagi ng senador.

The post Paano napasagot ng ‘YES’ ni Kiko Pangilinan nang ligawan si Sharon? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments