Responsive Ad

Jake Zyrus bilyonaryo na sana ngayon, kumikita ng P17-M sa 1 private event

Jake Zyrus bilyonaryo na sana ngayon, kumikita ng P17-M sa 1 private event

Jake Zyrus

UMABOT pala sa halos P1 billion ang net worth ng singer-songwriter na si Jake Zyrus noong nagtatrabaho pa siya bilang Charice Pempengco.

Yes mga ka-BANDERA! Iyan ang isa sa mga rebelasyon ng international singer sa kanyang librong “I Am Jake” na bagamat 2018 pa inilabas ay ngayon lang pinag-uusapan at nagba-viral sa social media.

May mga nag-post sa Facebook ng ilang pahina ng memoir ni Jake at isa nga sa bumalandra rito at ang tungkol sa kanyang finances. Nalaman lang daw niya ang kanyang “net worth” nang makausap ang accountant.

Ayon kay Jake, noong kasagsagan ng kanyang career ang highest net worth daw niya ay umabot sa $16,000,000 o mahigit P927,000,000.

“But when you’re a celebrity, people expect to find you decked in designer clothes all the time.

“Imagine how I felt when as an adult who should be able to handle my own money, I met my accountant for the first time and learned that when I went on tour, I could earn up to $600,000.

Baka Bet Mo: Pia binasag nga ba si Heart sa ‘worth ng kababaihan’ campaign?

“When I sang at private events, I could get up to $300,000. Endorsement in States earned me up to $1,000,000. At one point, my net worth was $16,000,000,” ang nakasulat sa libro ni Jake.


That time raw ay ang kanyang inang si Raquel Pempengco ang humahawak ng kanyang finances.

“I’m not worth $16,000,000 anymore, but I assure you, I am richer than Charice. She only knew how much she was worth, but she never actually got to touch or enjoy her earnings.

“Sure, I saw houses being built and cars being bought using my money, but I was always told they weren’t mine,” pahayag ni Jake.

Dagdag pa niya, “If I needed to use one of our cars, I had to ask permission from my mother.

“Sometimes, she would refuse my request. It’s only that I finally know what it’s like to have a house under my name and a car I can use anytime I wish,” pambubuking pa niya sa kanyang nanay.

Mukhang kasama na ang isyung ito sa sinagot ni Raquel sa pamamagitan ng kanyang Facebook account kung saan tinawag niyang fake news ang libro ng kanyang anak.

“Meron na namang fake news. Galing daw sa isang libro. Mga bashers, hindi updated yang libro na yan… Abangan niyo ako ang mag-a-update ng librong ‘yan.

“Sari-sari na lang isyu niyo. Meron kilala daw ako? Mga gumagawa ng kwento ang iba. Baka magulat kayo kapag ako ang nagkwento.

“Kaya tumigil na kayo sa kaka-fake news na yan. Mga salot ng lipunan. Nababawasan tuloy ng konti ang ganda ko… Konti lang naman,” ang pahayag ng nanay ni Jake.

Sabi pa niya sa isang hiwalay na post, “Peace of mind pa rin ang pipiliin ko kesa patulan ko ang mga walang kwentang tao at mga walang utang na loob. Sila na magdadala ng lahat.

“The truth still prevails… But no matter what, my blood still flows in your veins, and you can only remove that when you’re already dead,” matapang na sabi pa no Raquel.

Sanay na rin daw siya na palaging pinalalabas na kontrabida pero ipinagdiinan niya na walang anumang libro ang makapagpapabago sa katotohanan.

“Kwento niyo yan, malamang masama ako jan. Pero hindi ko alam ang kwentong ‘yan… Sanay na akong tawaging masama. Kung yan ba ikakasaya niyo. Tanggap ko na ang pangalan kong ‘Evil Queen.’

“Basta ako, alam ko ang sariling kwento ko, pero di ko na isasali sa libro dahil ayoko ng may mapasama at madagdagan ang mga ‘Evil’.

“Dapat ako lang ang nagmamay-ari ng crown… Sige lang kahit ano ibato niyo basta hindi nakakabawas ng kagandahan ko… Wala pa rin akong pake,” bwelta pa niya.

The post Jake Zyrus bilyonaryo na sana ngayon, kumikita ng P17-M sa 1 private event appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments