‘The Caretakers’ nina Iza at Dimples horror movie na tatagos sa puso

Iza Calzado at Dimples Romana
NA-WATCH na namin ang horror movie na “The Caretakers” ng Rein at Regal Entertainment sa naganap na premiere night nito sa SM The Block nitong Lunes, February 24.
Ito’y pinagbibidahan nina Iza Calzado at Dimples Romana mula sa direksyon ni Shugo Praico with Marco Masa, Ashley Sarmiento, Inka Magnaye, Jake Taylor, at ang mga child stars na sina Althea Ruedas, Erin Espiritu at Erika Clemente.
In fairness, maganda ang pelikula, hindi lang siya basta horror movie na tatakutin ka mula simula hanggang ending, mas nagmarka sa amin ang mensaheng nais iparating ng kuwento at tema nito.
Maraming gulat at sigaw factor ang “The Caretakers” bukod pa sa mga nakakalokang twists and turns na ikagugulat ng mga manonood sa bandang huli ng movie.
Iikot ang kuwento ng “The Caretakers” sa dalawang nanay na gagawin ang lahat para sa kanilang mga anak. Isang inang kinailangang ibenta ang isang ancestral house para magamit sa pamilyang niloko ng asawa at isang inang handang pumatay ‘wag lang maagaw ang itinuring na niyang tahanan.
Baka Bet Mo: Iza emosyonal nang mabanggit ni VP Leni ang yumaong mga magulang: Lord kayo na po ang bahala
Relate much si Dimples sa kanyang karakter na Lydia dahil may tatlo rin siyang anak, “Bilang isang ina, natututo kang balansehin ang iba’t ibang personalidad at ugali — ang isa ay maaaring walang pigil sa pagsasalita, ang isa ay parang bata.
“This role made me reflect on if there’s really a right or wrong way to love as a mother. May mga bagay na hindi mo aakalain na magagawa mo, ngunit nagpapatuloy ka dahil sa pagmamahal mo sa iyong mga anak,” chika Dimples.
View this post on Instagram
Gumaganap naman si Iza bilang Audrey, “Dito sa pelikula, ako iyong inang sinusubukang i-secure ang kinabukasan ng mga anak. Mahaharap sa sariling pakikibaka. Sinusubukang itago ang nangyayari sa kanilang mag-asawa sa mga anak.”
First time nakatrabaho ni Dimples si Iza, “Perfect timing na kami ni Iza na magka-work ngayon, hinog na ‘yung pagtatrabaho namin.”
Sey naman ni Iza, “Finally, we got to work together. Hindi kami tumitigil tsumika. So the dynamic duo of tsika. Yun lang. Hindi ko nga alam kung paano ito natapos nina Direk Shugo, e. Kasi ang daldal talaga namin.
“Pero beyond that, you know? She (Dimples) has this wealth of experience in being a mother…. that, you know, I come humbly asking for tips for, you know, experience, cause I just want her to tell her story.
“Because she just picks out naman of what you get, di ba? And then, na-enjoy ko yung kanyang energy at na-inspire ako sa kanyang pagiging businesswoman, you know,” lahad ni Iza.
Mensahe pa ni Dimples, “Filipinos need to watch Filipino films to keep our industry alive, to keep our culture alive, and umaasa po kami, nanawagan, at kumakatok sa inyong mga puso at wallet na sana manood kayo ng aming pelikula.”
Proud naman ang mga executives ng Rein Entertainment na sina Lino Cayetano, Philip King at Shugo Praico sa bago nilang proyekto kaya sana raw ay tangkilikin ito ng mga Filipino.
Binigyan ng R-13 rating ng MTRCB ang “The Caretakers” kaya’t mapapanood ito ng mga batang edad 13 pataas. Showing na ito ngayon sa mga sinehan nationwide.
The post ‘The Caretakers’ nina Iza at Dimples horror movie na tatagos sa puso appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments