Kris Aquino love na love si Michael Leyva, nagpakatatay kina Josh at Bimb

Michael Leyva, Kris Aquino at Bimby
MARAMING natuwa nang muli nilang makita ang Queen of All Media na si Kris Aquino na makalipas ang mahabang panahon ay lumabas ng bahay para um-attend sa isang event.
Spotted ang TV host-actress kasama ang bunsong anak na si Bimby sa People of the Year 2025 awards night ng “People Asia” nitong nagdaang Martes, February 25.
Ito’y kasabay nga ng paggunita ng sambayanang Filipino sa ika-39 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.
Ang payat-payat pa rin ni Kris pero mukhang lutang pa rin ang kanyang pagiging fashionista with her yellow top OOTD na tinernuhan ng fuchsia pink blazer at long floral skirt.
Ayon kay Kris, sa kabila ng iniinda niyang karamdaman ay pinilit niyang makarating sa naturang event bilang pagsuporta sa kaibigan niyang si Michael Leyva.
Baka Bet Mo: Rhian Ramos ibinuking ang pinandidirihan sa lalaki: Ayoko talaga ng mahabang…
Isa si Michael sa mga pinarangalan sa People of the Year 2025 at super proud si Kris sa kanyang kaibigan kaya naman hindi niya pwedeng palagpasin ang pagtanggap ng award ng isa sa kanyang BFF.
View this post on Instagram
“He’s acting like the dad to Bim and the dad to kuya. He is more than just a friend. He is like the younger brother I never had,” pahayag ni Kris sa panayam ng media.
Dagdag pa niya, “There are people who would say ‘I’ll be there for you’ or ‘Maaasahan mo ako’ but Michael has proven so many times, and in so many ways.”
Nabanggit ni Kris ang “younger brother she never had” patungkol kay Michael dahil siya nga ang bunso sa kanilang magkakapatid. Ang nag-iisa niyang kuya ay ang yumaong dating Pangulong Noynoy Aquino.
Nauna rito, sinabi ni Kris na ayaw niyang ma-miss ang importanteng araw na yun para sa Filipino fashion designer na si Michael.
“There are people who say that I’ll be there for you or maaasahan mo ako. But Michael has proven that so many times and in so many ways,” ang sabi ni Kris patungkol kay Micheal.
Hirit pa niya, “And he gave his two cars for us. Nakompromisa ka na.”
The post Kris Aquino love na love si Michael Leyva, nagpakatatay kina Josh at Bimb appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments