Responsive Ad

Jellie Aw ibinandera ang mukha: Buo na ulit ‘yung nabasag

Jellie Aw ibinandera ang mukha: Buo na ulit 'yung nabasag

PROUD na ibinandera ng disc jockey na si Jellie Aw ang pagbuti n kanyang kalagayan pati ng kanyang mukha matapos ang umano’y pambubugbog sa kanya ng boyfriend na si Jam Ignacio.

Sa pamamagitan ng isang Instagram story ay ibinahagi niya ang collage ng kanyang naging selfie.

“Buo na ulit yung nabasag,” saad ni Jellie sa caption.

Unti-unti na ngang bumabangon at bumubuti ang lagay ng disc jockey mula sa traumatic experience nito sa kamay  ng fiancee.

Baka Bet Mo: Jam Ignacio nag-Japan matapos humarap sa NBI dahil sa kaso ni Jellie Aw

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kamakailan lang rin nang nagbigay ng update si Jellie na magsasadya siya sa isang dental clinic upang ipaayos ang nabasag na ngipin.

Aminado siya na sa ngayon ay may pagmamahal pa rin siyang nararamdaman para kay Jam ngunit hindi ito rason para ipagsawalang bahala na lang ang ginawa sa kanya ni Jam.

“‘Yong pagmamahal ko siyempre nandito pa rin. Mahal pa rin kita. Pero siyempre hindi naman pwedeng love lang ang paiiralin natin. Magharap na lang po kami,” saad ni Jelie.

Dagdag pa niya, “Sa ngayon tinatanggap ko naman ‘yong sorry niya. Pero gusto ko pong bigyan ng leksyon si Jam sa ginawa niya sa akin.”

Samantala, may mga balitang lumipad patungong Japan ang negosyanteng si Jam matapos ang kanyang pagpunta kamakailan sa National Bureau of Investigation (NBI).

The post Jellie Aw ibinandera ang mukha: Buo na ulit ‘yung nabasag appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments