Responsive Ad

Jennylyn ayaw nang mag-2-piece bikini sa movie; hindi kayang mag-topless

Jennylyn ayaw nang mag-2-piece bikini sa movie; hindi kayang mag-topless

Jennylyn Mercado

AMINADO ang Kapuso Ultimate Star na si Jennylyn Mercado na may limitations na rin siya ngayon pagdating sa pagtanggap ng teleserye at pelikula.

Isa ito sa mga naging topic nang ma-interview ng content creator na si Ogie Diaz para sa kanyang YouTube channel na “Ogie Diaz Showbiz Update.”

Tanong ni Mama Ogs, kung may sinusunod pa ba silang agreement o patakaran sa tuwing kailangan nilang gumawa ng kissing scenes o intimate scenes with their partner on screen.

Sagot ni Dennis, “Wala naman, walang naglilimita lalo na sa trabaho. Siyempre, artista kami pareho. Naiintindihan namin ‘yung mga ginagawa ng isa’t isa.

“Wala namang personalan du’n. Kung nire-require naman ng eksena gawin ‘yon, siyempre, ‘pag maselan, pinag-uusapan naming mag-asawa bago gawin,” esplika ng Kapuso Drama King.

Baka Bet Mo: Jennylyn Mercado balik ehersisyo matapos manganak: Postpartum fitness isn’t easy

Para naman kay Jen, nag-set na siya sa kanyang sarili ng boundaries pagdating sa paggawa ng pelikula at teleserye tulad ng pagsusuot ng two-piece bikini  lalo’t may asawa at dalawang anak na siya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jennylyn Mercado (@mercadojenny)


“Saka ‘yung script, nakukuha namin agad. Kapag nabasa namin, ‘parang hindi na ako ‘to’, parang dati kaya ko pa ‘to pero, ngayon, parang ‘di ko na yata kayang mag-topless,” sabi ng aktres.

Samantala, sa isa namang hiwalay na panayam sa celebrity couple, sinagot naman nila ang tanong kung paano nila inaayos kapag may misunderstanding sila.

“At this point, alam na alam na namin ang ugali ng isa’t isa. So we really just have to talk it out or respect each other’s process siguro when it comes to conflicts,” sey ni Dennis.

Para naman kay Jen, “Pero sa totoo lang, we barely have conflicts na. We are also at this point in our relationship na gusto namin happy na lang, positive, lalo pa’t we are raising Dylan (anak nila ni Dennis).

“So we want to have a nice, healthy, loving environment around her. Kung kaya umiwas sa nega e iwas na lang,” saad ng aktres.

The post Jennylyn ayaw nang mag-2-piece bikini sa movie; hindi kayang mag-topless appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments