Responsive Ad

Rere Madrid sinita dahil sa pag-celebrate ng Valentine’s Day

Rere Madrid sinita dahil sa pag-celebrate ng Valentine's Day

HINDI nagustuhan ng ilang netizens ang naging bonggang sorpresa ng basketball player nasi Kai Sotto sa kanyang girlfriend at Kapuso Sparkle artist na si Rere Madrid.

Noong Valentine’s Day ay hindi nagpahuli si Kai sa pagpaparamdam ng kanyang pagmamahal para sa dalaga at sinurpresa ito ng bouquet of flowers at balloons.

Agad naman ibinahagi ni Rere ang mga larawan niya kasama ang surprise ng basketbolista sa kanyang Instagram post.

Baka Bet Mo: Ruru, Bianca ayaw mag-live in, nirerespeto ang utos ng kanilang religion

“Ginulat mo nanaman ang mundo ko @kzsotto ” saad ni Rere.

Agad naman itong pinuna ng ilan sa mga kapatid mula sa Iglesia ni Cristo (INC) dahil sa pagdiriwang niya ng Valentine’s Day.

“Wala! Hindi yan sumusunod sa aral ng Dios. Tsk!” saad ng isang netizen sa post ni Rere.

Tanong naman ng isa, “May valentines kayo kapatid?”

“mas ginulat mo kami sis!” hirit pa ng isa kay Rere.

Chika pa ng isa, “nakakalungkot lang, madaming kapatid ang umiidolo sa inyo tapos nakikitaan kayo ng ganyang paglabag‍”

Para sa mga hindi aware, si Rere ay ang kapatid ng Kapuso actor na si Ruru Madrid at ang pamilya nila ay kaanib ng Iglesia Ni Cristo.

Sa ngayon ay burado na rin sa kanyang social media ang naturang Valentine’s Day post.

The post Rere Madrid sinita dahil sa pag-celebrate ng Valentine’s Day appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments