Jellie Aw barag sa basher: Deserve mo mabugbog teh! Karma is real!

Jellie Aw at Jam Ignacio
PATOL kung patol ngayon sa mga bashers ang content creator at DJ na si Jellie Aw matapos ireklamo ng pambubugbog ang fiancé niyang si Jam Ignacio.
Sa halip na makisimpatya sa masaklap na sinapit ni Jellie, hinusgahan at inokray pa siya ng mga netizens at sinabing deserved niya ang ginawang pananakit sa kanya ni Jam.
Kaloka! Para lang hiyain si Jellie ay hinalungkat pa talaga ng mga netizen ang Instagram post ng dalaga noong November 12, 2024, matapos mag-propose sa kanya si Jam
Sa comments section ng nasabing IG post, may netizen ang nagsabing, “Maghihiwalay din kayo hahahahaha!” Na sinagot ng DJ ng, “Cge wait mo ha! (laughing emojis).”
Baka Bet Mo: Jellie Aw inokray matapos mabugbog, kinarma raw sa pang-ookray kay Karla
Dito na binulabog ng netizens ang IG post ni Jellie at kung anu-anong masasakit na salita ang kanilang ibinato sa sexy vlogger.
Sey ng isang IG user, “Deserve mo mabubog teh kasi ang yabang mo. Karma is real!”
Resbak naman sa kanya ni Jellie, “Ikw dpa nabubugbog muka ng na bugbog baks hahaha.”
Nauna nang inihayag ni Jellie ang ilang detalye ng pananakit sa kanya umano ni Jam na nagresulta sa pagkabasag ng kanyang mukha dahil sa tindi raw ng ginawa ng ex-boyfriend ni Karla Estrada sa biktima.
View this post on Instagram
Sabi ni Jellie, selos ang naging dahilan kung bakit umabot sa pananakit at pambubugbog ang kanilang relasyon.
“Sobrang seloso po kasi (ni Jam), kahit maliit na bagay lang talagang pinapalaki na. Kahit po sa work ko, kapag may kumakaway sa akin sa gig, nagagalit siya,” ani Jellie.
Muli niyang binalikan ang mga pangyayari nang saktan siya ni Jam sa loob ng sasakyan sa isang panayam.
“Kinukuha niya yung buhok ko, tapos (inuuntog niya yung mukha ko) habang nagda-drive siya. Humahampas po ako sa salamin ng kotse. May parang dugo po sa loob (ng mata ko) tapos yung (baba po ng mata ko) medyo paputok na po, e, kasi medyo napuruhan,” salaysay ni Jellie.
Pumutok rin ang kanyang labi dahil sa pagtama ng kamao ni Jam sa kanya at pati ang kanyang ngipin ay nabasag.
Ito naman ang mensahe niya kay Jam, “Ang message ko lang po sa kanya, madali lang naman magpatawad, e. Pero yung ginawa niya sa akin, hindi ko makakalimutan yon.
“Iba yung trauma e, ang hirap matulog. Lagi kong naaalala yung ginawa niya sa akin. So, gusto ko lang, Jam, harapin mo yung ginawa mo sa akin,” ani Jellie.
Sa NBI nagtungo si Jellie para pormal na sampahan ng kaukulang kaso si Jam matapos umano siyang bugbugin nito sa loob ng kanilang sasakyan kamakailan.
Inihayag ni NBI Director Jaime Santiago na agad niyang inatasan ang Violence Against Women and Children Division (VAWCD) na aksyunan agad ang kaso nang magtungo sa kanilang tanggapan si Jellie.
“Inutusan ko agad ang VAWCD noong time na nagreklamo ‘yong DJ na puntahan, kunin, mahuli agad but then ang daming place naming pinuntahan, masyado siyang malikot,” saad ni Santiago.
Dugtong pa ng NBI official, “During that time na kakaganap lang ng krimen, papasok pa sa hot pursuit.
Kasunod nito, nabanggit din ng NBI na maglalabas na sila ng subpoena laban kay Jam Ignacio sakaling hindi pa rin ito sumuko para harapin ang mga reklamo laban sa kanya.
The post Jellie Aw barag sa basher: Deserve mo mabugbog teh! Karma is real! appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments