Responsive Ad

Mon Confiado ‘pinatangkad’ ng Softdrink Beauties: Fan talaga ako!

Mon Confiado 'pinatangkad' ng Softdrink Beauties: Fan talaga ako!

Mon Confiado, Darryl Yap at ang 4 na Softdrink Beauties

KILALA at pinapantasya na ng award-winning actor na si Mon Confiado ang mga tinaguriang Softdrink Beauties na sumikat sa showbiz noong dekada 80.

Kuwento ni Mon, hindi pa raw siya artista noong kasagsagan ng kasikatan ng mga sexy stars na sina Pepsi Paloma, Sarsi Emmanuelle, Coca Nicolas, at Mirinda “Myra” Manibog.

Si Mon ang gumaganap sa karakter ng yumaong talent manager na si Rey dela Cruz sa kontrobersyal na pelikula ni Darryl Yap na “The Rapists of Pepsi Paloma.”

Nakachikahan ng BANDERA si Mon sa naganap na presscon ng bago niyang pelikula, ang horror-suspense film na “Lilim” na pinagbibidahan ni Heaven Peralejo under Viva Films.

Baka Bet Mo: Herlene Budol takot na takot kay Mon Confiado, ayaw nang makatrabaho?

Kuwento ng premyadong aktor, wala pa siya sa showbiz nu’ng namamayagpag sa mga sexy movies ang Softdrink Beauties na mina-manage ni Rey dela Cruz.

Pero inamin ni Mon na kilalang-kilala raw niya si Rey dela Cruz pati na ang mga alaga nitong sina Pepsi, Sarsi, Coca at  Mirinda.

Sa katunayan, taga-Maynila raw ang kanyang pamilya noon at malapit lang daw sa bahay nila ang tinitirhan ni Dr. Rey.

“Actually, panahon ko nu’n nu’ng ako nagbibinata. Kaya kilala ko si Pepsi Paloma, kilala ko ang Softdrink Beauties.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Kilala ko rin si Rey dela Cruz, batang Sta. Cruz ako, Quiapo naman si Dr. Rey dela Cruz.

“So, alam ko yung area niya, alam ko… hindi ko alam yung naging issue nu’ng time na yun, pero kilala ko sila,” nangingiting pahayag ni Mon.

Dagdag pa niya, “Fan ako ng mga Softdrink Beauties. Kilala ko si Coca Nicolas, Sarsi Emmanuelle, of course si Pepsi Paloma.

“Nu’ng bata ako, sila ang kinalakihan ko at isa sa nagpatangkad sa akin,” ang natawang chika pa ni Mon Confiado.

Nauna na naming naibalita rito sa BANDERA ang naging pahayag ni Mon tungkol sa hindi pagpapalabas ng “The Rapists of Pepsi Paloma” sa mga sinehan noong unang linggo sana ng February.

Wala pang ibinibigay na update si Direk Darryl kung maipapalabas pa ba sa mga sinehan ang kanyang bagong pelikula matapos ang naging desisyon ng MTRCB na hingan muna ng kaukulang dokumento ang producer na magpapatunay na wala na itong hinaharap na kaso sa korte.

Ito’y matapos ngang sampahan ng kasong cyberlibel ng movie at TV icon na si Vic Sotto si Direk Darryl dahil sa diretsahang pagbanggit sa pangalan niya sa teaser ng “The Rapists of Pepsi Paloma” na pinagbibidahan ni Rhed Bustamante.

Sa kasalukuyan, may hinaharap na 19 counts of cyberlibel complaints si Darryl na inihain ni Vic sa Muntinlupa Regional Trial Court.

Bukod kay Mon, ang iba pang artistang kasama sa pelikula ay sina Gina Alajar bilang Charito Solis, Shamaine Buencamino bilang ina ni Pepsi at Rosanna Roces bilang Divina Valencia.

Tumanggi agad si Mon na magkuwento tungkol sa nilalaman ng pelikula ni Darryl Yap, pero inalam daw muna niya siyempre ang magiging kabuuan ng gagawing pagsasalaysay sa buhay ng yumaong sexy star na sumikat noong dekada 80.

The post Mon Confiado ‘pinatangkad’ ng Softdrink Beauties: Fan talaga ako! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments