Radio anchor Joel Reyes Zobel sa mag-amang Tulfo: Di pa ba abuso yun?
MATAPANG na pinatutsadahan ng veteran news anchor at radio host na si Joel Reyes Zobel si Sen. Raffy Tulfo kaugnay ng pagdaan uli ng kanyang anak na kongresista sa EDSA Busway.
Nag-post ang DZBB broadcaster sa social media ng kanyang saloobin sa bahong traffic violation ni Quezon City 2nd District Rep. Ralph Tulfo.
Dumaan na naman kasi ang sasakyan ng mambabatas sa EDSA busway nitong nagdaang January 23, 2025. Ito ang ikalawang beses na nilabag ng anak ni Sen. Raffy ang pagdaan sa naturang busway.
Last Saturday, nagbigay nga si Joel ng kanyang reaksyon sa paglabag ni Ralph Tulfo sa batas trapiko sa pamamagitan ng pagpu-post sa X (dating Twitter).
Baka Bet Mo: Netizens pinagpiyestahan ang viral EDSA-Philam busway ramp, memes viral na
“People will be exposed for what they really are.
“Dalawang beses nang nahuhuli ang anak mo, senador, sa loob ng apat na buwan. Hindi pa ba abuso yun?
“Huwag double standard, Sir. How can you be a lawmaker, when you are a law breaker?!” ang hugot ni Joel na nilagyan pa niya ng hashtag #wangwang Family.
Ibinahagi rin ni Joel ang quote card ng naging pahayag ni Tulfo tungkol sa nasabing balita. Dito, humingi siya ng sorry sa nangyari.
Ayon sa kongresista, walang pang-aabuso sa awtoridad na nangyari upang mapawalang-sala sila ng kanyang driver matapos siyang isyuhan ng traffic citation ticket.
Nabayaran na rin daw niya sa LTO ang multa para sa nilabag na traffic violation at handa ring sumailalim sa seminar para sa mga violators.
Reaksyon naman ni Sen. Raffy sa pagkakamali ng anak, “Kapag hindi siya nang-abuso, hindi nagmura, wala kaming problema.
“Well, in-admit naman niya, hindi siya nagsinungaling. Nag-apologize siya. So, wala akong nakikitang problema du’n.
“As long as hindi siya tumakas, hindi siya gumamit ng plakang 8, which karapatan niyang gumamit pero hindi siya gumamit.
“It just shows na hindi siya abusado. Ang pagkakaalam ko ata, nagmamadali siya, yung driver niya pumasok dun sa busway.
“Pinagalitan ko siya, pinagsabihan ko, pinagalitan ko. Nag-sorry siya sa akin. Ang sabi ko, mag-apologize siya sa lahat, and that’s it,” sabi pa ng senador.
Narito ang ilang reaksyon ng netizens sa X post ni Joel Reyes Zobel.
“Unti-unti nang lumalabas ang Tutoong Kulay ng mga Hunyangong pablik serbants kuno.”
“Panlabas lang daw pala ang pagiging mga pablik serbants kuno na to, pero Hayagan, lantaran na kung umabuso.”
“Eto pa, eh Family Political Dynasty na din pala SiLA.”
“Nag sorry nga daw ksi. tas sorry na lng ulit kung mahuli. charot.”
“Kung iba gumawa nyan katakot-takot na mura aabutin sa programa nya.”
“Yup. hindi abusado, pero lumabag pa rin sa batas trapiko.”
“Kailan man ang mangA ay di maaring mamunga na Santo L ,Pero marami bpa rin ang nabubudol……Only in the Philippines.”
“Ekis ka na sa akin, kaya tinatamad na ko panuorin yung programa mo. Bias ka. Double standard.”
“Me problema pa rin po twice na nya ginawa ito at bilang isang MAMBABATAS dapat unang-una syang sumunod sa BATAS na ginawa nila.”
“So, okay lang na ang mambabatas ang mismo sumira sa batas na sila dapat nagpapatupad? Langya talaga Pilipinas!”
The post Radio anchor Joel Reyes Zobel sa mag-amang Tulfo: Di pa ba abuso yun? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments