Mikoy Morales engaged na sa non-showbiz GF: And so it begins…
NAG-PROPOSE na ang award-winning Kapuso actor na si Mikoy Morales sa kanyang non-showbiz girlfriend na si Isa Garcia.
Ibinandera ni Mikoy sa kanyang Instagram page ang good news sa pamamagitan ng isang video kung saan makikita si Isa na nasa loob ng sinehan.
Makikita rin sa naturang post ang engagement ring ni Isa habang kumukuha ng popcorn.
Baka Bet Mo: 2 Kapuso actor hindi pabor sa relasyon nina Mikee Quintos at Paul Salas: ‘Pero si Lord na ‘yung nag-ayos ng problema’
“And so it begins,” ang nakalagay sa caption ni Mikoy with matching ring emoji.
Ibinahagi rin ng aktor sa Instagram Stories ang ilang litrato kung saan makikita siyang nakaluhod sa harap ng kanyang fiancée.
View this post on Instagram
Bumuhos naman ang mga congratulatory messages mula sa mga fans at kapwa celebrities ni Mikoy para sa engagement nila ni Isa.
Comment ng Kapuso actor na si Benjamin Alves, “Entering the best chapter of your lives. Congratulations!”
“Waaww! Congrats Koymiks and Isa!” ang pagbati naman ng Kapuso actress na si Arra San Agustin.
“WaAaaaahhhhh!!!!!!!! Yeeeesssss!!!!!!! @mikoymorales @isagarsha,” ang comment ni Ina Feleo.
Napapanood ngayon si Mikoy sa Kapuso series na “Lolong: Bayani ng Mga Bayan,” na pinagbibidahan ni Ruru Madrid.
Naging bahagi rin siya ng Metro Manila Film Festival Best Picture na “Green Bones” starring Dennis Trillo at Ruru Madrid.
The post Mikoy Morales engaged na sa non-showbiz GF: And so it begins… appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments