Responsive Ad

Hirit ni Claire Castro kay VP Sara: Magiging madugo talaga ‘to kung…

Hirit ni Claire Castro kay VP Sara: Magiging madugo talaga ‘to kung...
Claire Castro at Sara Duterte

FEELING ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Atty. Claire Castro magiging madugo talaga ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ito ay kung hindi makikita ng sambayanang Pilipino ang katotohanan sa likod ng mga akusasyon laban sa bise presidente.

Nag-react si Castro sa naging hirit ni VP Sara nang magpunta siya sa Senado nitong Martes, July 7, kung saan nakipagpulong siya sa kanyang defense team. Hindi pa rin siya dumalo sa impeachment trial.

“In this bloodbath and bludgeoning, I will be bloodied but unbowed,” ang pahayag ng pangalawang pangulo.

Binengga uli ni Castro si VP Sara sa kanyang press briefing kahapon at sinabing hindi nila ito makokontrol sa paglalabas ng opinyon hinggil sa paglilitis ng Senado sa kanya.

“Kung ‘yon po ang kaniyang iniisip at kaniyang opinyon ay hindi naman natin siya mapapahinto sa kaniyang pagsasalita patungkol dito,” pahayag ni Usec. Castro.

Aniya pa, “Magiging madugo talaga ‘to kung hindi makikita ng taumbayan ang katotohanan at ‘yan naman ang hinahanap ng ating mga kababayan, malaman ano ba talaga ang mga katotohanan sa mga ibinabato sa kaniya.”

Natuwa rin ang Palace Press Officer sa naging pahayag ni VP Sara na maaaring gamitin sa paglilitis, “Nadinig po natin ang kaniyang binanggit at sa ating palagay, marami rin namang natuwa na siya ay pumunta sa Senado at nabanggit ang kanyang mga kataga dahil sa—  di natin alam kung sa unang pagkakataon ba ‘to—ay nagkaroon siya ng basehan sa kanyang sinabi,” sabi ni Castro.

“Ating nadinig at napanood noong sinabi niyang ‘in this bloodbath, in this bludgeoning, I will be blooded but unbowed.’ So, mayroon siyang naging basehan.

“So, ikinatuwa natin na sa ngayon ay may nagiging basehan na si bise presidente ng kanyang mga sinasabi,” lahad pa niya.

Matatandaang hango ang pahayag ni VP Sara sa tulang “Invictus” ng English poet na si William Ernest Henley, na pinaniniwalaang isa sa pinakapaboritong tula ng kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

The post Hirit ni Claire Castro kay VP Sara: Magiging madugo talaga ‘to kung… appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments