Liza naka-unfollow na kina James Reid, Issa Pressman, may alitan ba?
USONG-USO sa mga artista this year ang pag-a-unfollow sa Instagram sa tuwing may isyu o alitan.
Ang latest, si Liza Soberano na in-unfollow sa Instagram ang celebrity couple na sina James Reid at Issa Pressman.
Ito ay ilang buwan matapos tuluyang lisanin ng aktres ang Careless Music na pagmamay-ari ni James.
Siyempre, nag-double check ang BANDERA kung tunay ‘yung kumakalat na chismis ngayon at very true nga na wala na sa list of followers ni Liza ang couple.
Nang tingnan naman namin ang IG page nina James at Issa ay pareho pa naman silang naka-follow kay Liza, as of this writing.
Ang tanong tuloy ng marami, nagkaroon kaya sila ng alitan na kailangan pang mag-unfollow ni Liza?
Kung matatandaan noong September last year, inilantad ng nasabing music label na wala na silang koneksyon sa aktres.
Sa isang interview, inamin ni James na discretion niya ang paglabas ng anunsyo na wala na si Liza sa kanilang management.
“We decided to make this statement because there’s a lot of rumors that she’s no longer Careless. So we decided to release the statement just to confirm it so there’s no confusion,” sey ng aktor.
Dagdag pa niya, “It’s her decision to leave Careless.”
Sa tanong naman na kung bakit umalis si Liza, sinabi ng binata na nag-focus ito sa kanyang career sa abroad.
Makalipas ang isang buwan ay nagsalita na rin ang aktres sa kanyang pag-alis sa management ni James at inamin na ang talagang layunin niya kung bakit sumali sa Careless ay para gumawa ng sarili niyang team at para i-explore ang kanyang international opportunities.
Matatandaang June 2022 nang pumirma ng kontrata si Liza sa talent management matapos siyang hindi mag-renew ng kontrata sa Star Magic.
Bago ang Careless Music, nasa pangangalaga siya ng talent manager na si Ogie Diaz nang mahigit isang dekada.
The post Liza naka-unfollow na kina James Reid, Issa Pressman, may alitan ba? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments