Responsive Ad

Nora Aunor hindi naka-attend sa ‘Mananambal’ presscon, anyare?!

Nora Aunor hindi naka-attend sa 'Mananambal' presscon, anyare?!

Nora Aunor, Bianca Umali, Jeric Gonzales, EA Guzman at Kelvin Miranda

HINDI nakasipot ang Superstar at National Artist for Film and Broadcast Arts na si Nora Aunor sa grand mediacon ng horror movie na “Mananambal.”

Naganap ang presscon para sa latest offering ng Viva Films nitong nagdaang Huwebes, February 6, sa Viva Café sa Cubao, Quezon City na dinaluhan ng iba pang cast members.

Naroon sina Kelvin Miranda, EA Guzman, Bianca Umali, Martin Escudero at Jeric Gonzales, kasama ang direktor ng pelikula na si Adolf Alix, Jr..

At bago pa maintriga ang absence ni Ate Guy sa naturang event, nagpaliwanag agad si Direk Adolf hinggil dito.

In fairness, inasahan talaga ng ilang dumalong members ng media sa presscon na darating ang nag-iisang Superstar dahil matagal-tagal na rin namin siyang hindi nakakachikahan.

Baka Bet Mo: Barbie inaming hiwalay na sila ni Diego: Baka kaya paulit-ulit na nangyayari ito kasi hindi ko talaga minamahal ang sarili ko

“Alam naman po natin na napaka-sensitive po kasi ng sitwasyon ni Ate Guy.

“So, may advice po kasi sa kanya, ang doktor po, na baka public gathering, pinali-limit po yung kanyang pagdalo dahil po sa kanyang kalagayan,” ang simulang paliwanag ni Direk Adolf na kilala ring malapit na kaibigan ni Ate Guy na 71 years old na ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Patuloy pang sabi ng direktor, “In as much as, siyempre po, gusto niya kayong makasama, pero dahil po din sa naging sitwasyon, kapag bumuti-buti po at binigyan siya ng clearance, baka po makapunta siya sa premiere night.

“So, inilalaan po natin dun sa mas mga importanteng event, kasi nga po pinipili niya talaga sa ngayon,” sey ni Direk.

Sa tanong kung paano makakatulong ang Superstar sa promo ng “Mananambal”, sey ni Direk Adolf, “Pinag-uusapan po lang ng prod (production staff) kung paano po siya, kahit mag-send po siya sana o makapag-promote via Facebook or social media para po sa kanyang mga fans.”

Samantala, iikot ang kuwento ng “Mananambal” sa isang grupo ng kabataan na nagsamantala sa pamilya ng isang “mananambal” o healer para sa kanilang kapakinabangan, magdadala ito sa kanila ng mga katatakutan na hindi nila kayang takasan.

Isang grupo ng content creators na maglalakbay patungong Sitio Cambugahay upang hanapin si Lucia (Nora), isang “mananambal” na naging viral dahil sa kanyang healing powers. Ang isang “mananambal” ay isang Pilipinong manggagamot na gumagamit ng traditional medicine, at meron ding kakayahan sa kulam.

Ang kanilang paghahanap kay Lucia ay magdadala sa kanila para makilala si Alma (Bianca), ang anak ni Lucia, na nais mabuhay ayon sa sariling kagustuhan dahil hindi nito gustong sumunod sa yapak ng kanyang ina.

Ngunit ang paggamit ng grupo kay Alma para mapalapit kay Lucia ay magdudulot ng matinding kapahamakan kay Alma.

Nang bumalik sa Maynila ang content creators, makakaranas sila ng mga hindi maipaliwanag at nakakatakot na pangyayari, kung saan ang kamatayan ay walang humpay ang paghabol sa kanila.

Sila ba ay biktima ng sumpa ng isang mananambal, o ng isang mas madilim na pwersa? Isang bagay ang tiyak: ang lahat ng kasamaan ay may matinding kapalit. At kung may dapat silang matutunan—huwag na huwag mong gagalitin ang isang mananambal.

Ang pelikula ay nakatanggap na ng international recognition matapos itong ipalabas sa Jinseo Arigato International Film Festival sa Japan noong May, 2024. Iginawad ng festival ang Best Dramatic Actress award kay Bianca para sa kanyang pagganap bilang Alma.

Mapapanood na sa mga sinehan nationwide ang “Mananambal” simula sa February 19.

The post Nora Aunor hindi naka-attend sa ‘Mananambal’ presscon, anyare?! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments