Jillian Ward naluha sa lolang dinalaw sa ospital habang nagte-taping
![Jillian Ward naluha sa lolang dinalaw sa ospital habang nagte-taping](https://bandera.inquirer.net/files/2025/02/GridArt_20250210_203846308-1200x739.jpg)
Ruru Madrid, Shaira Diaz, Michel Sager, Jillian Ward at Yasser Marta
PROMISING at bonggang-bongga nga ang pasok ng 2025 kay Jillian Ward dahil waging-wagi hindi lang sa ratings, kundi pati sa online views ang pinagbibidahan niyang serye na “My Ilonggo Girl.”
Kilig overload nga ang hatid ni Jillian at ng leading man niyang si Michel Sager sa regional romantic comedy series mula GMA Public Affairs.
Bukod sa pagiging high-rating nito sa primetime ay patok din sa netizens ang sweet moments nina Tata (Jillian) at Sir Francis (Michael).
Baka Bet Mo: Ruru Madrid emosyonal sa presscon ng ‘Lolong’, muntik nang sumuko: Napilay ako, napako, lahat pinagdaanan namin dito
May mahigit 337 million views na ang serye across all online platforms as of January 29.
View this post on Instagram
Pero bukod sa kanyang pag-akting, marami ang humanga kay Jillian sa ginawa nitong pagdalaw sa isang lolang naka-admit habang sila ay nagte-taping ng serye sa hospital kamakailan.
Akala ng mga nakasaksi, saglit lang daw sisilip si Jillian pero nagulat sila na nakipagkuwentuhan ang aktres sa lola pati na sa apo nito.
Sa video, makikita ang pagiging emotional ni Jillian na ibinahaging naalala raw niya ang kanyang lola sa dinalaw na pasyente.
Matatandaang pumanaw ang lola ni Jillian noong kasagsagan ng COVID pandemic. Naantig din ang netizens at marami ang pumuri sa ginawang ito ni Jillian na kahit nasa taping ay nagawang bumisita sa nasabing lola.
* * *
Kung akala ng viewers ay happy ending na ang LolSie, tila mapupurnada pa yata ang pag-iisang dibdib nina Lolong (Ruru Madrid) at Elsie (Shaira Diaz).
Yan ang makapigil-hiningang mga kaganapan ngayon sa hig Kapuso action-drama series na “Lolong: Bayani ng Bayan” sa GMA Prime.
Sa pagsugod ng mga masasamang tao sa kasal nina Lolong at Elsie, nabaril nga ang bride.
Kaya naman ang dapat sanang masayang tagpo, nauwi sa trahedya. Mabuti na lang at nailigtas ni Lolong si Elsie gamit ang Ubtao – isang hiyas na sagrado sa lahi ng mga Atubaw at may kapangyarihang makapagpagaling ng iba’t ibang mga karamdaman. ‘Yun nga lang, nawalan ng alaala si Elsie.
Simula pa lang ito ng mga bagyong susuungin ni Lolong. Dahil ang hawak niyang Ubtao, nanakaw pa sa kanya ng kapwa Atubaw na si Nando (Nonie Buencamino).
Pero ano ito, si Nando, nagpakilalang lolo ni Lolong?! At sa kanyang pag-aagaw-buhay, makikita ni Lolong sa kanyang panaginip si Karina (Rochelle Pangilinan) na malalaman ni Lolong na buhay pa pala.
Ano kaya ang mangyayari kapag nagharap na sina Lolong at Julio (John Arcilla)? Babalik pa ba ang alaala ni Elsie? Abangan lahat yan sa “Lolong: Bayani ng Bayan” pagkatapos ng “24 Oras” sa GMA Prime.
The post Jillian Ward naluha sa lolang dinalaw sa ospital habang nagte-taping appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments