Responsive Ad

Sandara Park kay Barbie Hsu: ‘I got influenced by you since I started my career’

Sandara Park kay Barbie Hsu: ‘I got influenced by you since I started my career’

Sandara Park, Barbie Hsu

KAHIT ang Pambansang Krung Krung ng Pilipinas na si Sandara Park nalulungkot sa pagpanaw ng sikat na Taiwanese actress Barbie Hsu.

Ayon pa nga sa kanya, ito ang naging impluwensya niya sa kanyang showbiz career.

Ang pagpupugay ni Sandara ay matapos i-share ng X user na @pauloMDtweets ang video ng K-Pop star na nag-perform ng “Ni Yao De Ai” sa isang New Year’s Eve party noong Disyembre.

Ang nasabing kanta ay ang original track ng “Meteor Garden,” ang 2001 hit series ni Barbie bilang San Chai.

Baka Bet Mo: Sandara Park binisita ang ‘It’s Showtime’ after 6 years, biro pa niya: ‘Bakit wala ‘yung picture ko sa ABS-CBN hallway?’

“Rest in peace Barbie Hsu. I got influenced by you since when I started my career,” saad niya. 

Ani pa niya sa nasabing X post, “We will always remember you.”

Noong February 2 nang pumanaw si Barbie dahil sa pneumonia na komplikasyon ng influenza sa edad na 48.

Naiulat rin na may history ang aktres ng epilepsy at heart disease.

Ang mga labi ng Taiwanese star ay na-cremate na sa Japan at naiuwi sa Taiwan nitong February 5.

Ang mga naiwan niyang mahal sa buhay ay ang mister na Korean rapper na si Koo Jun-yup o mas kilala bilang “DJ Koo,” pati na rin ang dalawa niyang anak mula sa dating asawa na Chinese businessman na si Wang Xiaofei.

The post Sandara Park kay Barbie Hsu: ‘I got influenced by you since I started my career’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments