Maymay Entrata umalma, inakusahang naka-autotune ang boses
![Maymay Entrata umalma, inakusahang naka-autotune ang boses](https://bandera.inquirer.net/files/2025/02/GridArt_20250210_203824711-1200x809.jpg)
Maymay Entrata
UMALMA ang Kapamilya actress-singer na si Maymay Entrata ang paratang ng bashers na naka-autotune raw ang boses niya.
Isang netizen ang nagkomento sa social media na may daya raw ang boses ni Maymay nang sumabak bilang “TagoKanta” sa segment na “Hide and Sing” ng “It’s Showtime”.
In fairness, natunugan agad ng mga celebrity contestants na sina Awra Briguela at Argie Roquero, pati na ng madlang pipol kung sino si TagoKanta 3.
Sa Round 1 pa lang ay nabosesan na nila agad si Maymay Entrata pagkatapos nitong ibirit ang kantang “Wrecking Ball” ni Miley Cyrus.
Baka Bet Mo: Netizens umalma sa 12 araw na suspensiyon ng MTRCB sa ‘It’s Showtime’, Lala Sotto pinagre-resign
Kasunod nga nito, inakusahan ng isang netizen na naka-autotune raw si Maymay. Ang “autotune” ay ang ginagamit na technology para baguhin o ayusin ang tono ng boses ng isang singer.
View this post on Instagram
“Ako ang nahiya para kay Maymay Entrata. Bakit nilagyan ng autotune tapos yung ibang Tagokanta hindi nilagyan? Halata tuloy na siya ang Celebrity Singer treewww @maymayentrata07,” ang post ng X user na si “Maymay Estrada.”
Pinalagan agad ito ni Maymay at sinagot nang malumanay ang hater, “Hi po ma’am. Hindi po naka autotune yan, may mga flats pa nga po ako eh.. hihi.
“Sorry If I wasn’t good enough sainyo. I’ll do better,” ang cool na cool na sagot ng “Amakabogera” singer.
The post Maymay Entrata umalma, inakusahang naka-autotune ang boses appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments