Andi Eigenmann, Philmar Alipayo inunfollow ang isa’t isa, hiwalay na nga ba?
TULUYAN na nga bang nauwi sa hiwalayan ang relasyon ng dating aktres na si Andi Eigenmann at ng fiance nitong si Philmar Alipayo?
Ito ang tanong ng maraming netizens matapos maispatan ang pag-unfollow ng dalawa sa isa’t isa sa Instagram.
Nang tignan namin ang account ni Andi, wala na sa kanyang followinf ang account ni Philmar na may username na @chepoxz.
Samantala, ganoon rin naman sa account ng surfer. Hindi na rin nito pina-follow ang username na @andieigengirl.
Baka Bet Mo: Crissa Liaging may patama kay Andi Eigenmann: Sarap sabihin ng totoo
Mas lalo pa ngang tumindi ang hinala ng madlang pipol dahil sa naging sunud-sunod na cryptic posts mi Andi.
“I just found out its the year of the snake!! I thought it was the year of the wolf in sheep’s clothing!” saad ng dating aktres sa isang IG story kalakip ang background na may mga imahe ng ahas.
May nakasulat ring “ZODIAC: THE SNAKE”, sa baba ng post ni Andi.
Kaya naman hindi na kataka-takang marami sa mga netizens ang nakaabang sa kung ano ang rason ng tila hindi magandang pinagdaraanan ng celebrity couple.
Samantala, makikita namang pulutan nc mga betizens ang mga recent IG posts nina Andi at Philmar.
Wala pa namang opisyal na pahayag ang dating aktres hinggil sa isyu.
Sina Andi at Philmar ay na-engaged noong 2020.
Sila ay may dalawang anak, si Lilo at si Koa.
The post Andi Eigenmann, Philmar Alipayo inunfollow ang isa’t isa, hiwalay na nga ba? appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments