Responsive Ad

Ruru sa pakikipagsalpukan kay Coco: Never kong inisip na kalaban siya!

Ruru sa pakikipagsalpukan kay Coco: Never kong inisip na kalaban siya!

Ruru Madrid at Coco Martin

MULI na namang nabuhay ang bakbakan sa pagitan nina Ruru Madrid at Coco Martin dahil sa tapatan ng kani-kanilang primetime teleserye.

Salpukan na naman kasi ang action series ni Ruru na “Lolong: Bayani ng Bayan” sa GMA 7 at ang “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco sa Kapamilya Network.

Dalawang teleserye na ni Ruru ang nakalaban ni Coco, una na ang unang season ng “Lolong” na nakatapat noon ng pagtatapos ng “Ang Probinsyano” at ang “Black Rider” na nakipagsalpukan naman sa “Batang Quiapo”.

Sa panayam ng “Ogie Diaz Inspires” kay Ruru ay natanong uli ang Kapuso actor tungkol sa sinasabing “Round 3” ng labanan nila ni Coco primetime.

Baka Bet Mo: Pokwang may pasabog na open letter para sa COVID-19; pandemic hugot ni Winwyn: It’s hard and scary

“Sa totoo lang, never pong sumagi sa isip ko na maging katapat si Sir Coco. Simula pagkabata ko, lahat ng teleserye ni Sir Coco pinanood namin ng nanay ko, kaming dalawa. Lahat, gabi-gabi ‘yan,” pagbabahagi ni Ruru.

Patuloy pa niyang depensa, “Lahat po ‘yan pinapanood namin ng nanay ko. Kasi sobrang fan po ‘yong nanay ko ni Sir Coco. Pati ‘yong lola ko. Growing up sobrang iniidolo ko po siya.”

Aniya, napasakarap daw sa pakiramdam na tulad ng idol niyang si Coco Martin ay patuloy pa rin siyang nabibigyan ng pagkakataon na makagawa ng mga makabuluhang teleserye.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ruru Madrid (@rurumadrid8)


“Nagkakataon lang na nagkakatapat po ‘yong time slot namin. Pero never ko pong iisipin na kalaban ko siya. Kahit kailan. Kasi para po sa akin, nasa pedestal siya. Tinitingala ko po siya!” saad pa ng binata.

Sa isang hiwalay na panayam kay Ruru, sinabi nitong napakalaking challenge at karangalan sa kanya ang makatapat ang isang Coco Martin.

“Masaya at excited ako sa aming pangatlong pagtatapat kasi nabibigyan namin pareho ng kasiyahan ang mga manonood sa pamamagitan ng aming palabas.

“Ito ang layunin namin bilang artista at sa production, na makapaghandog kami ng mga shows na maaring kapulutan ng aral, makapagbigay ng aliw, at maipagmalaki natin ang sariling atin. Ang wagi po ay tayong mga Pilipino,” aniya.

The post Ruru sa pakikipagsalpukan kay Coco: Never kong inisip na kalaban siya! appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments