Next Sofronio Vasquez: Pinoy pasok uli sa The Voice USA, 2 coach umikot

Jessica Manalo at Sofronio Vasquez
MATAPOS gumawa ng kasaysayan si Sofronio Vasquez bilang kauna-unahang Pinoy na itinanghal na “The Voice USA” champion, may isa na namang Pinoy ang nakapasok sa naturang reality singing show.
Nagpiyesta ang sambayanang Filipino nang manalo si Sofronio sa “The Voice USA Season 27” mula sa team ng international singer na si Michael Bublé.
Kasunod nga nito, isang Pinay contestant na naman mula sa Las Vegas ang nakapasok sa Blind Auditions. Umikot kay Jessica Manalo sina Coach Michael Bublé at Kelsea Ballerini.
Napabilib niya ang dalawang coach matapos niyang kantahin ang kanyang versoion ng “Unholy” ni Sam Smith.
Baka Bet Mo: Sofronio Vasquez: Ang ‘It’s Showtime’ ang unang naniwala sa akin!
Pero ayon sa ulat, hindi pa niri-reveal sa sneak peek ng nabanggit na singing reality contest sa Amerika kung sino sa dalawang coaches ang pinili niya.
Si Michael Bublé din ang pinili ni Sofronio mula sa apat na coach na umikot sa kanya during his Blind Audition.
View this post on Instagram
In fairness, ngayon pa lang ay nakakatanggap na ng suporta si Jessica mula sa mga Pinoy, base sa mga comment ng netizens sa YouTube channel ng NBC.
“Sofronio in the making. Go get it girl!”
“That’s amazing Jessica. Your talent truly stood out. Keep shining and chasing your dreams, we’re here to support you every step of the way! Much love from Manila.”
“Liked the change up of the song, inventive. This was the super clean version. Solid vocal, sweet vibrato and great pocket, very rhythmic. A total vibe.”
“Manalo means to win in Filipino. She’s already a winner before she even knew it.”
The post Next Sofronio Vasquez: Pinoy pasok uli sa The Voice USA, 2 coach umikot appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments