Kelvin Miranda sa isyu ng cheating: Tinanggap ko na lang po

Kelvin Miranda at Kira Balinger
BAGO pa ma-involve sa cheating scandal sina Maris Racal at Anthony Jennings, pati na rin sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, nauna nang naiskandalo ang Kapuso actor na si Kelvin Miranda.
Naging hot topic sa mundo ng showbiz at sa social media ang pagkakasangkot ni Kelvin sa cheating issue noong 2023 kung saan inakusahan siya ng panloloko ng kanyang ex-dyowa.
Matatandaang inilantad ng non-showbiz ex-girlfriend ni Kelvin na si Roselle Vytiaco noong January, 2023, ang tungkol sa pangangaliwa umano nito sa kanya.
Nadamay sa isyu ang Kapamilya actress na si Kira Balinger na siya umanong ipinalit ni Kelvin kay Roselle.
Binalikan ni Kelvin ang isyung ito sa panayam sa kanya ng “Fast Talk With Boy Abunda” nang mapag-usapan ang issue kina Andi at Philmar lalo na ang pagpapa-matching tattoo ng surfer instructor sa female bestfriend nitong si Pernilla Sjoƶ.
Baka Bet Mo: Kelvin inamin ang tunay na feelings kay Kira: Totoo po ang naramdaman ko
Question ni Tito Boy kay Kelvin, “I know you got involved in the controversy related to cheating. Paano mo nalampasan yon and what you would want to tell us about this?”
View this post on Instagram
Sagot ng isa sa lead stars ng “Encantadia Chronicles: Sang’gre”, hindi pa man siya nagsasalita about it ay hinusgahan na agad siya ng mga tao.
“Tinanggap ko lang po yung katotohanan sa sarili ko. Kasi wala naman akong dapat ipaliwanag kasi alam ko yung totoo.
“And hindi ko kailangan ipagtanggol yung sarili ko sa taong…ang hirap magsalita, e, sa taong alam niya kung hanggang saan ako at hanggang saan yung kaya kong ibigay,” esplika ni Kelvin.
Pagpapatuloy pa ng binata, “Umabot doon sa punto na, wala, online world na ngayon. So, konting conflict, konting misunderstanding, kayang palakihin, kayang lumala, lalo’t sa samu’t saring pagsasawsaw ng mga tao sa social media.”
Noong May, 2024 itinanggi na ni Kelvin na wala silang relasyon ni Kira matapos mag-viral ang screenshots ng convo nila ni Kira na ipinost ni Roselle sa social media.
Nagsalita rin si Kira tungkol dito sa panayam sa kanya ng press sa isang event, “Hindi po ako third wheel. Kung anuman naging usapan nilang dalawa ng ex niya, out na po ako du’n.
“If there’s somebody Ate Girl should talk to, it should be him. Pero ako, from woman to another woman, I understand that pain, ‘Uy, ba’t may ganyan?’
“Pero honestly, from my point of view, wala akong alam. And I can confidently say hindi ako kabit, gaya ng sinasabi ng lahat, like what she made me out to be. So, wala po akong alam,” aniya pa.
“To be fair, hindi kami. Chats lang yun. Ni minsan, ni minsan di kami lumabas together. In the lock-in, we had our PAs. It was always, after the set, sleep, done,” depensa ni Kira sa sarili.
The post Kelvin Miranda sa isyu ng cheating: Tinanggap ko na lang po appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments