Bangkay ng 82-anyos na lola ninakaw sa nitso, nawawala daw ang underwear

Photos from 91.5 Brigada News FM Legaspi
NINAKAW ang bangkay ng 82-anyos na babae mula sa nitso nito sa isang public cemetery sa San Isidro, Albay.
Nakita umano ng sepulturero sa naturang sementeryo na butas na ang nitso ng bangkay na kalilibing lamang nitong nagdaang Sabado, February 15.
Agad ini-report ng sepulturero sa tanggapan ng kanilang barangay ang nangyari, base sa ulat ng 91.5 Brigada News FM Legazpi City kamakalawa, February 16.
Ayon sa pulisya, kabaong na lang ang natagpuan ng mga rumespondeng otoridad sa nitso ng biktima. Agad na nagsagawa ng follow-up operation ang mga pulis.
Makalipas ang ilang oras, natagpuan ang bangkay ng lola halos 100 metro ang layo mula sa kanyang nitso. Sa inisyal na imbestigasyon, posibleng kinaladkad ng suspek ang bangkay mula sa kabaong nito.
Baka Bet Mo: Angel rumesbak sa nagsabing ninakaw ni Kris ang alahas ni Imelda: She can afford to buy her own
Nagkaroon daw ng mga galos sa mukha ang bangkay. Kasabay nito, nadiskubre rin ng mga otoridad na nawawala ang underwear na suot ng lola.
Dinala sa punerarya ang labi ng 82-anyos na lola. Dahil umano sa takot na maulit muli ang nangyari, plano ng pamilya na ipa-cremate na ang bangkay ng lola.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Sto. Domingo MPS para makilala at maaresto ang taong nasa likod ng paglapastangan sa bangkay ng biktima.
Nanawagan din sa publiko ang mga otoridad na makipag-ugnayan sa Sto. Domingo MPS na may hotline number 0949-461-4163 para sa anumang impormasyon hinggil sa nasabing insidente.
The post Bangkay ng 82-anyos na lola ninakaw sa nitso, nawawala daw ang underwear appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments