Responsive Ad

Ellen Adarna bet i-kiss palagi si Derek Ramsay noong buntis

Ellen Adarna bet i-kiss palagi si Derek Ramsay noong buntis

MASAYANG ibinandera ng celebrity couple na sina Ellen Adarna at Derek Ramsay ang istorya ng kanilang pag-iibigan.

Sa latest vlog na ibinahagi ng Kapamilya broadcast-journalist na si Karen Davila ay naikuwento rin ng dalawa ang naging journey habang ipinagbubuntis niya ang panganay nila ni Derek.

Ibinahagi ng aktres na si Ellen Adarna ang kaniyang naging pagbubuntis sa panganay nila ng mister niyang si Derek Ramsay.

“I thought I was normal,” natatawang sabi ni Ellen.

Pagpapatuloy niya, “Like, I’m okay. Kayong lahat ang may problema.”

Baka Bet Mo: Kasambahay ni Ellen Adarna ipinagtanggol si Pernilla Sjoo

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“The complete opposite of what she said,” kontra ni Derek kay Ellen.

“Pa’no siya no’ng buntis?” tanong ni Karen.

“Crazy,” paglalarawan ni Derek sa pregnancy journey nila ni Ellen.

Pagpapatuloy niya, “Everytime I leave the house I give her a kiss and let her know where I’m going. That’s our rule. When you wake up, the same thing.”

Naikuwento pa nga ni Derek ang pangyayari noong minsa’y papunta na siya sa kanyang golf game.

“I’m halfway to my golf game. ‘Why was your kiss like that?’ I’m like, what do you mean? ‘That’s not how you kiss me.’ Parang kailangan daw six seconds yata ang kiss or something. Gusto mo next time may tongue na, e,” lahad ng asawa ni Derek.

Iyon raw ang unang beses na naranasan siya nang ganon kaya naman tila nanibago siya sa kanyang asawa.

Super happy naman sina Derek at Ellen sa pagdating ng kanilang anak na si Lily.

Ngunit bago pa ito ay nauna nang nakunan ang dating aktres noong December 2o23 at ngayon nga ay ipinagkaloob na sa kanilang muli matapos silang sumubok uli na makabuo.

The post Ellen Adarna bet i-kiss palagi si Derek Ramsay noong buntis appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments