Pope Francis na-confine sa ospital dahil sa bronchitis

INQUIRER file photo
KASABAY ng pagdiriwang ng Valentine’s Day, si Pope Francis ay dinala sa ospital at siya’y mananatili doon ng ilang araw.
Ayon sa Vatican, ito ay para sa ilang pagsusuri at gamutan dahil sa bronchitis.
“He was hospitalised for some necessary diagnostic tests and to continue treatment for ongoing bronchitis in a hospital setting,” sey sa pahayag.
Ang sabi pa, nahihirapan sa paghinga ang Santo Papa nitong mga nakaraang araw kaya ibang opisyal ang nagbabasa ng kanyang mga talumpati.
Bilang naka-confine si Pope Francis, kinansela na muna ang dalawang pagpupulong niya na gaganapin ngayong araw (Feb. 15) at sa Lunes (Feb. 16).
Baka Bet Mo: Pope Francis nakiusap kay Migz Zubiri: ‘Please protect the family’
Hindi rin makakapagmisa ang Santo Papa ngayong Linggo (Feb. 17) kaya isang cardinal naman ang magdadaos nito bilang kanyang kahalili.
Si Pope Francis, na naging pinuno ng Simbahang Katoliko mula pa noong 2013, ay naka-confine sa Gemelli hospital sa isang espesyal na suite na eksklusibo para sa mga pope.
Ayon sa ulat ng media sa Italya, maaaring manatili siya sa ospital ng ilang araw matapos mabigong gumaling sa kanyang sakit nitong mga nakaraang linggo.
Matagal nang may problema sa baga si Pope Francis, lalo na’t tinanggal ang isa niyang baga noong siya ay bata pa.
Ilang beses din siyang humingi ng tulong upang ibang tao ang bumasa ng kanyang mga talumpati.
Sa kanyang weekly general audience noong Miyerkules (Feb. 12), sinabi niya, “I cannot yet” read his own speeches, ngunit may ngiting idinagdag na, “I hope that next time I can.”
Sa kabila ng kanyang mga problema sa kalusugan, nananatili pa rin siyang abala.
Matatandaan noong March 2023, naospital siya sa loob ng apat na araw dahil pa rin sa bronchitis at gumaling naman sa antibiotics.
Noong December 2023 naman, kinansela niya ang kanyang pagbisita sa Dubai para sa United Nations COP28 climate change conference dahil sa parehong sakit.
Nagkaroon din siya ng operasyon sa luslos noong June 2023 at sumailalim sa operasyon para sa diverticulitis noong 2021.
Mula 2022, gumagamit na siya ng wheelchair dahil sa pananakit ng tuhod at may tungkod kung kinakailangang tumayo.
Nagkaroon din siya ng ilang insidente ng pagbagsak nitong mga nakaraang buwan.
Noong Enero, may pasa siya sa kanyang braso matapos mahulog, at noong December last year, nakita siyang may malaking pasa sa panga matapos mahulog mula sa kama.
Sa kabila ng kanyang edad at kalagayan, hindi pa rin nagpapahinga si Pope Francis.
Noong September last year, tinapos niya ang apat na bansang Asia-Pacific tour, ang pinakamahaba niyang biyahe bilang Santo Papa.
Dahil sa kanyang kalusugan, usap-usapan ang tungkol sa kanyang posibleng pagbibitiw, lalo na’t ang kanyang naunang hinalinhan na si Pope Benedict XVI ay bumaba sa puwesto noong 2013 dahil sa mahinang kalusugan.
Ngunit sa kanyang memoir na inilathala noong nakaraang taon, isinulat niya na wala pa siyang seryosong dahilan upang mag-resign.
Inilahad din niya na ang pagbibitiw ay isang “distant possibility” na mangyayari lamang kung magkakaroon siya ng “serious physical impediment.”
Sa ngayon, malinaw ang kanyang mensahe na hindi pa siya aalis sa kanyang tungkulin.
The post Pope Francis na-confine sa ospital dahil sa bronchitis appeared first on Bandera.
Source: The Daily Feed
Post a Comment
0 Comments