Responsive Ad

‘Kahit nagsasabi ng totoo pero may malisya, ‘di ito depensa sa cyberlibel’

'Kahit nagsasabi ng totoo pero may malisya, 'di ito depensa sa cyberlibel'

Vic Sotto at Darryl Yap

“SA ating batas may hangganan ang karapatan ng bawat tao,” ang bahagi ng paliwanag ng isang abogado patungkol sa 19 counts of cyberlibel na isinampa ni Vic Sotto laban kay Darryl Yap.

Nagbigay ng ilang puntos ang assistant dean ng University of Makati College of Law na si Atty. Cecilio Duka sa kinakaharap na kaso ni Direk Darryl dahil sa inilabas niyang teaser video ng pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma.”

Aniya, may hangganan din ang “right to freedom of expression” at hindi ito maaaring magamit na dahilan sa lahat ng pagkakataon kapag humaharap sa kasong cyberlibel o libel.

“Sa ating batas may hangganan ang karapatan ng bawat tao. May tinatawag na karapatan ng pamamahayag pero kung ang karapatan ay nakakasira naman sa reputasyon o imahe ng iba pa, don natatapos ang karapatan,” ang unang punto ni Atty. Duka sa panayam ng TeleRadyo Serbisyo.

Baka Bet Mo: Claudine sinupalpal ng ‘ebidensiya’ para patunayang hindi ‘true blooded Marcos’ si Rico Yan; Noel Ferrer may ‘resibo’ rin

“Mayroon ding batas na nagbibigay proteksyon sa ating integridad bilang individual. Mangingibabaw po ang pagproteksyon du’n sa integridad ng isang tao,” aniya pa.

Patuloy pa niyang paliwanag, “Sa batas natin at sa mga desisyon ng korte, kahit nagsasabi ka ng katotohanan pero ang paraan ng pagsasabi mo ay may malisya, hindi po depensa ito laban sa libel o cyberlibel.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Sa paraan ng pagpapahayag, ito ho ay may malisya o makakasira sa kapwa, may pananagutan ito sa ating batas.

“Parehong may karapatan – may karapatan ng pamamahayag pero sa kanyang pamamahayag nakakasira siya ng tao, may karapatan naman po ‘yang sa palagay niya ay sinisiraan siya, na magdemanda dahil nasa batas yun.

“Ang pagsasabi ng katotohanan in itself ay hindi po sapat na depensa laban sa libel,” dugtong pa ng abogado.

Nabanggit din ni Atty. Duka ang tungkol sa legal principle na “res judicata”, “Kung natapos na ang kaso, meron tayong tinatawag na desisyon sa korte na res judicata, walang forever.

“Ibig sabihin mag-move on na tayo. Kung natapos na, hindi na kailangang balik-balikan dahil wala namang forever talaga,” sey pa ng abogado.

Nitong nagdaang Huwebes, January 9, personal na nagsampa si Bossing Vic ng 19 counts of cyberlibel laban kay Direk Darryl sa Muntinlupa Regional Trial Court. Humihingi ng P35 million danyos ang veteran TV host-actor.

Ito’y kaugnay nga ng lantarang pagbanggit sa kanyang pangalan sa inilabas na teaser ni Darryl Yap para sa pelikula niyang “The Rapists of Pepsi Paloma”.

Sey naman ng direktor, “Kalayaan ng kahit sino ang magsampa ng reklamo, Walang may monopolyo sa katarungan, lalo na sa katotohanan.

“Malaya ang sinuman na magsampa ng reklamo, para mas maging malinaw ang totoo. dahil sa huli, Katotohanan lang ang depensa sa lahat ng Katanungan,” aniya pa.

The post ‘Kahit nagsasabi ng totoo pero may malisya, ‘di ito depensa sa cyberlibel’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments