Responsive Ad

Jinkee Pacquiao nilaro ng netizens, ‘panalo’ sa Miss Universe 2025: Para sa ‘yo ang laban na to

Jinkee Pacquiao nilaro ng netizens, ‘panalo’ sa Miss Universe 2025: Para sa ‘yo ang laban na to!

MULI na namang nag-trending ang asawa ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao matapos manalo ng pambato ng Mexico na si Fatima Bosch sa Miss Universe 2025.

Sa kabila ng pagkadismaya sa naging resulta ng coronation night nitong Biyernes, November 20, idinaan na lang sa biro ng netizens ang sitwasyon.

Kaya naman bumaha ng congratulatory posts sa social media para kay Jinkee matapos ang pagkapanalo ni Fatima at sinabing “Pinoy pride” pa rin at magaling ang ginawa niyang pagbandera sa Pilipinas.

Marami kasi ang nagsasabi na magkahawig sila at papasang kambal ang dalawa.

Baka Bet Mo: Jinkee Pacquiao ibinandera ang baby shower nina Jimuel, Carolina

“Congratulations ante Jinkee, para sa’yo ang laban na ’to,” saad ng isang netizen.

Chika naman ng isa, “Still a win for the Philippines! You’ve made the Philippines and Sen. Manny proud!”

“Sa atin pa rin ang bagsak ng korona! Ginalingan mo na naman Madam Jinkee!” hirit pa ng isa.

Samantala, nag-react naman ang asawa ng dating senador tungkol sa chikang hawig sila ni Miss Universe 2025 Fatima Bosch.

Sa Facebook post ng online personality na si Senyora nitong Biyernes, November 21, sinabi niyang suportahan rin si Jinkee sa coronation night ng ika-74th edisyon ng Miss Universe na ginanap sa Thailand.

“Bukod po sana kay Ahtisa, isupport din natin ang isa pang Pinay na nilalaban tayo. Laban po Ms Jinkee Pacquiao!,” saad ni Senyora.

Komento naman ng asawa ng Pambansang Kamao, “Parang ang layo naman Senyora pero thank you na rin God bless you Senyora!”

At muli ngang bumanat si Senyora nang koronahan na si Fatima bilang Miss Universe 2025.

“Still a win for the Philippines! Congrats Madam Jinkee! You’ve made the Philippines and Sen. Manny proud! Para sayo ang laban na to!” sabi pa ni Senyora.

Well, trending rin ngayon si Fatima matapos sabihan na “fake winner” ng isa sa mga nag-backout na judge at Lebanese-French musician na si Omar Harfouch.

The post Jinkee Pacquiao nilaro ng netizens, ‘panalo’ sa Miss Universe 2025: Para sa ‘yo ang laban na to appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments