Responsive Ad

Jalosjos, kalaban ni Vico walang konek sa Pepsi Paloma movie ni Darryl Yap

Jalosjos, kalaban ni Vico walang konek sa Pepsi Paloma movie ni Darryl Yap

Pepsi Paloma, Red Bustamante at Darryl Yap

MARIING pinabulaanan ng controversial director na si Darryl Yap na ang pamilya Jalosjos o ang kalaban ni Mayor Vico Sotto sa politika ang nasa likod ng pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma“.

Mainit na pinag-uusapan ngayon ng mga Marites sa social media ang upcoming movie ni Direk Darryl na “The Rapists of Pepsi Paloma” na ipalalabas ngayong 2025.

Sa unang teaser pa lang ng naturang pelikula ay usap-usapan na ang pagbanggit sa pangalan ni Vic Sotto ng karakter ni Gina Alajar bilang si Charito Solis habang pinaaamin si Pepsi Paloma played by Rhed Bustamante sa nang-rape sa kanya.

Baka Bet Mo: Darryl Yap binantaan ng kulam, demanda sa ‘Rapists of Pepsi Paloma’

May mga nagsasabi kasi na baka raw  ang pamilya Jalosjos o ang kalaban sa pagka-mayor ni Mayor Vico sa Pasig City ang nag-produce ng “The Rapists of Pepsi Paloma”.

Alam naman ng lahat na may legal battle ang pamilya Jalosjos (may-ari ng TAPE Inc.) at sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon kaugnay sa isyu ng “Eat Bulaga” trademark na gamit na ngayon ng TVJ sa TV5.

Nitong nagdaang araw, muling nanalo sa kaso ng “Eat Bulaga/EB” trademark ang TVJ, base sa naging desisyon ng Court of Appeals (CA) 9th Division. Ayon sa korte, ang iconic trio talaga ang nagmamay-ari ng naturang titulo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sabi pa ng CA, hindi raw nagkamali ang Marikina Regional Trial Court (RTC) Branch 273 sa nauna nilang desisyong  pumapabor sa TVJ.

Sa Facebook post ni Direk Darryl, walang konek ang pamilya Jalosjos sa kanyang pelikula na maglalantad sa tunay na nangyari kay Pepsi Paloma. Hindi rin daw konektado sa movie niya ang makakalaban ni Mayor Vico sa darating na eleksyon.

Paglilinaw ng direktor sa kanyang Facebook post, “Ang THE RAPISTS OF PEPSI PALOMA ay hindi produced ng mga Jalosjos (Kaaway ng TVJ) o ng mga Discaya (Kalaban ni Vico).

“Hindi ako padidikta sa pelikulang pangarap gawin ng bawat Batang Gapo, hindi pulitikal ang pelikulang tungkol sa kababayan ko.

“Wala akong pake sa mga drama nila.

“Pero kung pakiramdam nila eh pabor sa kanila ang paglalahad ko ng buong kwento—at gusto nila akong bigyan ng pera—SINO BA NAMAN AKO PARA TUMANGGI?!

“Hindi ako mapagmalaking tao.

“Hindi ako mapride.”

“Tag nyo nga,” ang buong pahayag ni Direk Darryl.

Bukas ang BANDERA sa magiging reaksiyon ng kampo ng TVJ hinggil sa usaping ito.

The post Jalosjos, kalaban ni Vico walang konek sa Pepsi Paloma movie ni Darryl Yap appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments