Responsive Ad

Ivana ‘di kailangan ng ibang tao para maka-buy ng bahay, milyones ang kita

Ivana 'di kailangan ng ibang tao para maka-buy ng bahay, milyones ang kita

Ivana Alawi

INIINTRIGA ngayon ang Kapamilya star at content creator na si Ivana Alawi tungkol sa umano’y pag-aari niyang bahay na nagkakahalaga raw ng P400 million.

Ang chika, may isang lalaking personalidad daw na nagregalo sa kanya ng naturang mansion at nakapangalan na raw sa dalaga ang titulo ng property.

Pero marami ang nagtanggol kay Ivana sa isyung ito na nagsabing hindi raw kailangan ng aktres at vlogger ng taong magbibigay sa kanya ng bahay sa estado ngayon ng kanyang buhay.

Ayon sa mga social media followers ng aktres, nasa record naman na isa siya sa mga top YouTubers sa Pilipinas na kumikita ng milyun-milyon kada buwan.

Baka Bet Mo: Aktor sa China naging pulubi, kumikita ngayon ng mahigit P500k kada buwan

Sa mga hindi pa nakakaalam, nasa number 4 slot sa Philippines ang YouTube channel ni Ivana na may 18.5 million subscribers na.

Biro nga ng kanyang mga fans, pwedeng-pwede na nga raw siyang kumandidatong senador sa dami ng followers niya sa YouTube at iba pang digital platforms.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa isang vlog ni Ivana na in-upload noon pang 2023, siya mismo ang nagsabi na  kumikita siya ng isang milyon sa isang araw. So, ibig sabihin mas malaki pa ngayon ang kinikita niya sa pagiging content creator.

Ngunit binigyang-diin din ng aktres na hindi siya nag-join sa YouTube para kumita kasabay ng pagsasabing nagbabayad din siya ng tamang tax.

“Pero guys, nagbabayad ako ng tax, di ko lang gusto i-disclose kasi baka sabihin, ‘Ay, nagyayabang.’ Hindi, pero dahil tinatanong niyo nang tinatanong, ayan,” pahayag ng actress.

Nauna na ring ibinandera ni Ivana na kumita siya ng mahigit P10 million sa loob lamang ng ilang oras ng pagla-live selling. In fact, nag-viral pa nga ‘yun sa social media kaya napa-sana all na lang ang madlang pipol.

Sa isang panayam din kamakailan sa naganap na TikTok Summit, nabanggit ng dalaga na halos dalawang taon na siya sa live selling.

“I’ve been doing livestreams for more than a year. Siguro two years. I’m not sure pero mga ganu’n,” ani Ivana.

Dapat daw ay kumita pa sila ng higit pa sa “eight digits” sa live selling pero ang ending naubusan daw sila ng stock. Hindi raw sila nauubusan ng buyers pero nauubusan sila ng stock.

Tandang-tanda pa ng kanyang mga followers ang sinabi ni Ivana na ang kinikita niya sa TikTok ang inilalaan niya sa kanyang pamilya at ang ilang bahagi nito ay sine-share nila sa ibang tao.

Ang kita naman niya sa pag-aartista at sa pagyu-YouTube ay inilalagay niya sa  properties and investments. Kaya feeling namin, isa na ngayon si Ivana sa pinaka-rich vloggers sa Pilipinas.

At agree kami sa sinasabi ng netizens na kailangan pa bang maghintay ni Ivana ng regalo tulad ng gustong palabasin ng kanyang mga bashers and haters.

The post Ivana ‘di kailangan ng ibang tao para maka-buy ng bahay, milyones ang kita appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments