Responsive Ad

Female singer ayaw munang mag-show kaya todo taas sa talent fee

Female singer ayaw munang mag-show kaya todo taas sa talent fee

MUKHANG hindi feel ng kilalang female singer ang magtrabaho dahil ang dami-daming inquiries sa kanya para sa out-of-town shows pero dedma siya.

Hindi raw sinasagot ng female singer ang mga nagtatanong sa kanya para sa mga out-of-town shows, lalo’t malapit na ang eleksyon ngayong taon.

May isang sinagot daw ang mang-aawit through her new handler dahil kilala nito ang nag-inquire at marahil ay nahiya siya na hindi ito sagutin, ang kaso presyong ayaw daw ang talent fee.

Nawindang ang taong kakilala ng female singer at nagtanong kung bakit sobrang taas ng hinihingi nitong talent fee gayung hindi naman ganu’n dati nu’ng una siyang kinuha.

Baka Bet Mo: Regine Velasquez tanggap na lumipas na ang kasikatan sa music industry, pero…

“Sabi ni (female singer), yun daw talaga ang rate niya, dati raw ay binagsak ang presyo ng tf niya ng dating handler kaya pala dami niyang shows pero konti naman ang natatanggap niyang tf,” chika ng aming source.

At dahil nagkaroon ng hindi na magandang relasyon ang female singer at dating handler dahil sa talent fees niya ay naghiwalay na raw sila.

Hanggang sa nagkaroon na rin ng personal na problema ang female singer kaya dahilan din kung bakit hindi na muna ito tumatanggap ng trabaho.

Sa kasalukuyan ay hindi napagkikita ang female singer at wala rin ito sa bahay niya at hindi naman din daw ito lumalabas ng bansa.

“Oo nandito lang nasa tabi-tabi,” sey ng aming source.

The post Female singer ayaw munang mag-show kaya todo taas sa talent fee appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments