Responsive Ad

Erik, Yeng, Christian 1st time magsasama sa concert, may iniiwasang singer?

Erik, Yeng, Christian 1st time magsasama sa concert, may iniiwasang singer?

Erik Santos, Yeng Constantino, Christian Bautista

MAGKAKAIBIGANG tunay ang mga mang-aawit na sina Erik Santos, Christian Bautista at Yeng Constantino.

Ito ang tiniyak ni Erik sa naging interview nila kay Ogie Diaz sa “Showbiz Update” vlog na mapapanood sa YouTube.

Kaya naman sila ang magkakasama para sa isang Valentine show na gaganapin sa Newport Performing Arts, Resorts World Manila sa February 14 at 15.

Sabi nga ni Yeng ay first time nilang magkakasamang tatlo sa isang concert, “Pero ang sobrang saya sa concert na ito ay magkakaibigan kaming tatlo in real life kaya grabe ang aming bonding at ang aming blending.”

Natanong ni Ogie kung sino ang mga hindi nila kaibigan na kapwa nila singers.

Baka Bet Mo: Yeng nakaranas din ng pang-iisnab mula sa mga sikat na celebs: ‘Wala, dedma lang, hindi ko na lang din siya papansinin…’

“Marami po ‘yung mga hindi naming ka-DNA,” sagot kaagad ni Erik.

Hirit ni Yeng, “Ano ibig sabihin ‘nu’ng hindi natin ka-DNA?”

“Yung hindi natin ka-ugali mababait kasi tayo (napa-wow sina Ogie at Mama Loi), nagsasabi lang ng totoo ha, ha, ha” malakas na tawang sabi ni Erik.

Agree naman kami na sadyang mabait sina Erik, Yeng at Christian dahil individually ay nakasama na namin sila sa out-of-town shows kaya nakilala at nakita namin ang tunay nilang mga ugali sa likod ng camera.

Sabay bawi ni Erik, “Huy ‘wag kayong ganyan (nagpaparinig sa mga hindi nila ka-DNA) naman nagpo-promote tayo ng ating show.”

Tanging nasabi na lang ni Christian, “Pinawisan ako ro’n (sa sinabi ni Erik), ah.”

Balik tanong ni Ogie kung may mga na-encounter na ang tatlo na kapwa nila mang-aawit na may attitude o diva ang tawag.

Pabirong nagdabog si Erik kaya nagkatawanan ang lahat, “Kaya nga tatanungin kita Erik kung may na-encounter ka ng may a-tti-tude?” tanong ni Ogie.

“Hindi naman nawawala ‘yun Kuya Ogs, ikaw ang pinaka-matagal sa atin dito sa industriya kaya alam mo,” nakatawang sagot ng tinaguriang Prince of Pop at King of Pinoy Teleserye Theme Songs.

“Siyempre gusto kong marinig mula sa inyo,” sey ni Ogie.

Si Yeng ang tinanong, “Mama Ogs, hirap naming sumagot, siyempre meron (din).”

Sinang-ayunan din ni Erik ang sinabi ni Yeng na mayroon na talaga silang experiences sa kapwa nila singers na may mga ugali talaga.

Sabi naman ni Christian, “ganito na lang, may mga instances kami na kahit kami kapag pagod na pagod na, walang tulog at hindi pa nakakakain minsan mayroon kaming mga moments or moods. Ang pinaka-importante lang talaga ay sana during that moment ay ma-control namin ito, makapag-pray kami na hindi lumabas ang mga bad attitude pero siyempre tao lang din po ang lahat ng celebrities din lalabas-lalabas ‘yan, sayang lang kung mahuli or sayang lang kung hindi nababago at paulit-ulit at walang pakialam sa ibang tao at pakikisama sa kapwa, so, dapat talaga bawal na ang mga toxic, so dapat tayo nagkakaisa na.”

Diing komento ni Erik, “Alam mo Bro (Christian) tama naman ang sinabi mo lahat naman tayo may mood swings, pero iba ‘yung ibig sabihin ni kuya Ogie, e.”

Natawa si Ogie, “’Yun nga ‘yung sinasabi ko na kung may na-encounter kayong singer o artista na puwedeng sabihin na, alam mo hindi na nagbago ‘tong taong ‘to and ate Chona (attitude).”

“Marami po talaga, marami” sambit ni Erik.

Hiniritan ni Ogie si Yeng kung sino, “Bakit ako, kain na lang ako ng kain (nilantakan ang stik-o na paninda ng tinadahan nina Ogie). Pero kung meron man pong ganu’n, mas marami pa rin ‘yung katulad nina Kuya Erik at Kuya Ian (Christian) na mas mababait. Kaya we’re very grateful po na sa industry ay may mga ganu’n tao pa rin po.”

Balik-tanong sa tatlo kung may iniiwasan na silang singer na makasama sa show dahil sa ugali nito.

Para kay Erik, “Kung show lang naman po kaya nang tiisin kasi sandali lang naman ‘yung show (pero matagal ang rehearsals). Pero pag tour (out of the country) ang pinakamaikli diyan ay two-weeks kayong magkakasama, so, sa akin po ay importante na kaibigan ko at kasundo ko po ‘yung makakasama ko para sa akin po personally.”

Pagdating naman sa mga singers na may mga edad na, pero kumakanta pa rin ay ano ang komento nina Erik, Yeng at Christian.

“Ako po kasi Mama Ogs at Mama Loi na kapag narating mo na ‘yung certain stature not really about kung gaano pa tulad sa past na kaya mong abutin, ‘yung more na nagagawa mo, is ‘yung legacy at respect ng mga tao. Ako po pag nakakakita ako ng seniors (singers) naming ay mas lalo akong napapabilib na pagtanda ko sana ganu’n ko kamahal ‘yung music at ‘yung trabaho na ibinigay ng Panginoon sa akin ay sana ay maituloy ko, personal ko po ‘yun,” esplika ni Yeng.

Para kay Erik ay itutuloy pa rin niya ang pagkanta as long as guto siya ng lahat, pero pipili na lang siya ng babagay na kanta sa kanya na kaya niyang abutin ‘yung key na kanya lang.

Si Christian, ay mas align sa sinabi ni Erik kasi lahat tayo ay mababago ang boses at wala ng magagawa. Ang masarap do’n kapag ang audience whether binago niya (singer) ang key ay papakinggan pa rin siya ng supporters niya.

Anyway, nilo-look up din ng tatlo ang mga veteran singers o nauna sa generation nila tulad nina Martin Nievera, Gary Valenciano, at marami pang iba dahil kahit mga sumikat ay hindi nagbago ang kanilang mga ugali.

The post Erik, Yeng, Christian 1st time magsasama sa concert, may iniiwasang singer? appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments