Responsive Ad

BTS Jung Kook naka-follow sa TikTok ni Niana Guerrero, hirit ng netizens: ‘Sana all! Ikaw na talaga!’

BTS Jung Kook naka-follow sa TikTok ni Niana Guerrero, hirit ng netizens: ‘Sana all! Ikaw na talaga!’

Jung Kook, Niana Guerrero

ISANG Pinoy talent nanaman ang napansin ni Jung Kook, ang isa sa mga miyembro ng K-Pop supergroup na BTS.

Siya’y walang iba kundi ang social media sensation at dancer na si Niana Guerrero!

Ang nangyari kasi, gumawa na ng TikTok account ang sikat na Korean idol nitong nakaraan lamang at isa sa mga maswerteng finollow niya ay si Niana!

As of this writing ay nasa 60 lamang ang fino-follow ni Jung Kook, habang ang followers niya ay umaabot na sa mahigit 7.8 million.

Isang video pa lang din ang uploaded ng Korean singer-dancer na kung saan ay sinayaw niya ang kanyang debut single na “Seven” kasama ang kanyang kaibigan na si Mingyu ng K-Pop group na SEVENTEEN.

Baka Bet Mo: Brian Puspos ‘shookt’ pa rin nang makasayaw sa stage si BTS Jung Kook: Can’t wait for what’s to come!

@letjungcook7 아 몰라 걍 올려 #jungkook #mingyu #bts #seventeen #seven #sevendayaweek ♬ 오리지널 사운드 – JK

Noong August 1 naman, makikita sa social media platform na X o dating Twitter ang isang post ni Niana na kung saan ay proud niyang ipinakita ang pag-like ni Jung Kook sa kanyang “Seven” dance cover sa TikTok.

Kasama pa nga niya riyan ang bunsong kapatid na si Natalia.

Caption pa niya sa naturang tweet, “[random emojis] JUNGKOOK LIKED”

Dahil diyan, libo-libong netizens ang napa-sana all at marami ang nagpaabot ng “congratulatory” messages sa social media star.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin sa comment section:

“Congrats! So lucky and deserve mo!!!”

“Prayer reveal naman diyan hahaha sana all [clapping hands emoji]”

“Niana, I’m happy for you so much! Jungkook liked your video yay! A dream come true. I can’t believe this is true.”

“I was manifesting this kanina ‘nung nakita ko vid moooo [crying emojis] congrats Nianaaaa you deserve to be noticeddddddd!”
Kung maaalala, noong nakaraang Marso lamang ay napakinggan at napuri ni Jung Kook ang hit song na “Give Me Your Forever” ng OPM singer na si Zack Tabudlo.

Sey pa nga ng K-Pop idol, “Oh, his voice is so good, I like it. I’ll be saving this song to my playlist already.”

Nakarating naman agad ‘yan kay Zack at kahit siya ay tuwang-tuwa at hindi makapaniwala sa nangyari.

Related Chika:

The post BTS Jung Kook naka-follow sa TikTok ni Niana Guerrero, hirit ng netizens: ‘Sana all! Ikaw na talaga!’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments