Responsive Ad

Ez Mil proud na proud sa ni-release na collab with Eminem: ‘It’s an honor for real!’

Ez Mil proud na proud sa ni-release na collab with Eminem: ‘It’s an honor for real!’

Ez Mil, Eminem

HETO na nga, mapapakinggan na ang inaabangang bagong single ng Filipino-American rapper na si Ez Mil!

Ito na kasi ‘yung collaboration song niya kasama ang legendary rapper na si Eminem – ang kantang “Realest.”

Sa isang Instagram post na ibinandera noong August 4, lubos na pinasalamatan ng Pinoy artist ang iconic rapper.

Sinabi rin niya na ito ay isang tunay na karangalan para sa kanya.

“Big thanks to sir @eminem for hopping on this track with me, it’s an honor fr [for real]! NO ONE REALER!!,” mensahe niya.

Baka Bet Mo: Fil-Am rapper Ez Mil nasa pangangalaga na nina Eminem, Dr. Dre; pumirma sa 3 music labels

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Ez Mil (@ezekielmiller)

Nag-post din mismo si Eminem sa kanyang IG account at proud na ipinakilala ang bago nilang rapper na si Ez.

“Allow me to introduce you to @ezekielmiller in the REALEST possible way!!!,” sey ng American rapper.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marshall Mathers (@eminem)

Ang “Realest” ay kabilang sa upcoming album ni Ez na may titulong “DU4LI7Y: REDUX” na nakatakdang ilabas sa August 11.

Kung maaalala noong nakaraang linggo lamang ay pumirma si EZ sa tatlong music label nina Eminem at Dr. Dre – ang Aftermath, Shady Records, at Interscope.

Kabilang sa naging record deal ni EZ ay ang album na may collaboration kasama ang dalawang iconic rappers.

Kwento ni Eminem, na-discover nila ang Pinoy rapper dahil sa music video nito na “Up Down (Step & Walk)” na inilabas noon pang Pebrero.

Matatandaan noong 2021 nang mag-viral ang kantang “Panalo” ni Ez na tungkol sa pagiging makabayan.

Ngunit nabahiran ang naturang kanta ng kontrobersiya matapos punahin ang lyrics na nagsasabing “pinugutan si Lapu-Lapu.”

Nag-sorry naman agad ang Pinoy rapper sa mga na-offend ng kanyang hit song at inamin na mali ang kanyang naging impormasyon.

Pero sinabi rin niya na sinadya niya itong isama dahil sa rhyming pattern ng kanta at para pag-usapan ng mga makikinig.

Related Chika:

Pasabog na sorpresa nina Daniel at Kathryn tuloy na: Oh my God! Heto na talaga!

Rocco Nacino may bagong natutunan bilang tatay nang dalhin sa doktor si Baby EZ para mapabakunahan

The post Ez Mil proud na proud sa ni-release na collab with Eminem: ‘It’s an honor for real!’ appeared first on Bandera.



Source: The Daily Feed

Post a Comment

0 Comments